Unang antolohiya ng kanyang mga katha ang
BUGSO, ngunit marami na ring librong
pinamatnugutan si Efren Abueg,
tulad ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964),
Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965,
1974 at 1993), MANUNULAT: Mga Piling Akdang
Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog
ni Abadilla (1973).
Kinilala ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng
maiikling kuwento sa pagkakaloob sa kanya ng anim
na Taunang Gawad Carlos Palanca (1959, 1960, 1963,
1964, 1967, at 1974); unang gantimpala sa timpalak
ng KADIPAN (1957), Pang-alaalang Gawad Balagtas
(1969); pangatlong gantimpala sa timpalak ng Pilipino
Free Press (1969) at Mangangatha sa Tagalog
(1992) ng Unyon ng Manunulat ng Pilipinas. Sa
nobela naman, nagwagi siya sa timpalak ng Liwayway
(1964, 1965, at 1967) at sa sanaysay ay nakamit
niya ang unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN
noong 1958.
Kasama sa maraming teksbuk sa Filipino ang kanyang
mga nagkagantimpalang akda, aktibo siya sa pagtuturo
ng wika at panitikan sa MLQ University (1965-1972),
Philippine College of Commerce (1971-72), Pamantasan
ng Lungsod ng Maynila (1974-77), Ateneo de Manila
University (1977-78) at sa kasalukuyan, propesor
siya sa De La Salle University. Naging pangulo
ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL,
1986-88), at Linangan ng Literatura ng Pilipinas
(Literary League of the Philippines) at direktor
ng Philippine Folklore Society.
back to authors | home |