Si Eros
S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine
Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor
of Secondary Education Major in Filipino at tumangap
ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay
na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang
“Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom
sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala
sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng
Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat
sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus
ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din
siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon
sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang
tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang
gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din
iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa
Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na
“Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa
Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay,
Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas
sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra”
salin sa Filipino at naging creative consultant
ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na
monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang
Master of Arts in Language and Literature Major
in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo
ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University
of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate
siya sa Center for Creative Writing and Studies.
Mayroon siyang “kopi teybol dedbol buk”
na pinamagatang Taguan-Pung at Manwal ng mga
Napapagal.
back to authors
| home
|