Si Liwayway A. Arceo (mangangatha,
nobelista, mananaysay, tagasalin-wika, editor),
ayon sa isang kritikong gumawa ng pag-aaral noong
1979 sa kanyang mga katha ng dekada 40, ay feminista
na bago pa “nauso” ang katagang iyon.
Sa mga aklat ni Liwayway A. Arceo na nasa ika-3
limbag na, namumukod ang sosyo-ekonomikong nobela,
ang Canal de la Reina (1985) na isinalin
sa Japanese (1990) at dinaluhan ng awtor ang paglulunsad
sa Tokyo. Samantala, patuloy na muli’t muling
inilalathala ang kanyang premyadong maikling katha,
ang klasiko nang "Uhaw ang Tigang na Lupa"
(1943), na itinuturing na panulukang-bato ng makabagong
maikling kuwentong Tagalog.
Ang dedikasyon ni Liwayway A. Arceo sa Panulatan
ay nagsanga sa Panitikang relihiyoso at espiritwal
nitong huling 13 taon, na nagbunga sa kanyang
Catholic Author’s Award (1990) mula sa Asian
Catholic Publishers. Kabilang pa rin sa kanyang
mga gawad ang Life Achievement Award sa Panitikan
(1994) mula sa Komisyon ng Wika, ang Gawad CCP
sa Literatura (1993), at ang Doktorado sa Humane
Letters, honoris causa (1991) mula sa Unibersidad
ng Pilipinas, Diliman.
|
Mga Libro:
back to authors | home |