Si Rudy F. Alano ay retiradong
guro ng Literature, English, at Art Appreciation.
Sa nakaraang 29 taon siya ay nakapagsagawa ng
mga wokshops sa teatro at malikhaing pagsusulat.
Naging fellow siya sa mga writers’ workshops
tulad ng Dumaguete at UP. Maraming lecture na
rin ang kanyang naibigay sa buong rehiyong Bikol
tungkol sa literatura at wikang Bikol. Catanduanes
na lang ang hindi niya pa nararating sa pagle-lecture.
Nailathala na ang mga tula at kwentong sinulat
ni Rudy sa iba-ibang magasin at dyornal tulad
ng Nation, Haliya, Bikolnon, Focus, Ani, Journal
of Bikol Writing, atbp. Siya rin ay isa sa mga
tampok na manunulat sa librong ”In Our Own
Words: Filipino Writers In Vernacular Languages”
ni Isagani Cruz. Siya ang unang pangulo ng Kabulig-Bikol
Writers Group, isang organisasyon ng mga manunulat
na Bikolano. Sa ngayon, siya ang Bikol Coordinator
ng National Commission for Culture and the Arts
(NCCA) sub-committee on Literary Arts.
back to authors | home |