Si Roberto T. Añonuevo
ay isinilang sa Maynila ngunit lumaki sa Pasig
at kung saan-saang panig ng bansa ipinadpad ng
mga lagalag na paa. Iginawad sa kanya ang Hall
of Fame Award ng Don Carlos Palanca Memorial Awards
para sa kanyang kalipunan ng mga tula . Sumungkit
ng mga gantimpala ang kanyang mga tula sa Talaang
Ginto: Gawad Collantes (1990, 1993, 1999) Panorama
Poetry Contest (1993) at Diyaryo Filipino (1990).
Kabilang siyang kumatawan sa Filipinas noong Second
ASEAN Poetry Conference Workshop (1995). Inilathala
ng DLSU ang kanyang unang aklat ng tula , ang
Paghipo sa Matang-tubig (1994) at ng
ADMU ang Pagsiping sa Lupain . Naging
pangulo siya ng Linangan sa Imahen sa Retorika
at Anyo (LIRA) noong 1994; at kasaping tagapagtatag
ng ORAGON, ang samahan ng mga premyadong makata
ng bansa. Kasalukuyan siyang Vice Chairman ng
UMPIL, ang pinakamalaking unyon ng mga manunulat
sa Pilipinas.
Ang kanyang blog ay nasa http://dakilapinoy.wordpress.com/.
back to authors | home |