Si Alain Russ Dimzon
ay isang Ilonggong magbubukid. Ipinanganak siya
sa Jaro, Iloilo City noong 31 Oktubre 1963. Nag-aral
siya ng B.S. Biological Sciences sa West Visayas
State University. Aktibo bilang cultural worker
si Alain. Naging kasapi siya ng National Committee
on the Literary Arts (NCCA) at naging chairperson
naman ng Committee on Literature, Arts Council
of Iloilo (ACIFI), Inc. at sa kasalukuyan, pangulo
ng Hilway, isang organisasyon ng mga manunulat
sa Iloilo.
Siya ang unang fellow ng Hiligaynon Poetry sa
UP National Writers Workshop. Pinarangalan siya
ng Gawad Emmanuel Lacaba (Best New Writer) in
Hiligaynon ng NCCA.
Ang kanyang mga akda ay nanalo na sa Home Life
English Poetry competition (1999). At ang ilang
mga tula niya sa Hiligaynon ay nakapasok sa Competitive
Book Writing Grant ng Fray Luis de Leon Creative
Writing Institute, University of San Agustin.
Composer at lyricist din itong si Alain. Suki
siya ng Ilonggo Music Festival (Open Category)
bilang kalahok at ginantimpalaan. Di mabilang
na ang mga songwriting competition (local at international)
na kanyang sinalihan at pinagwagian.
Nalathala na sa Philippine Studies- Literary
Issue (International Issue) ng Ateneo de
Manila University ang kanyang mga akda. Mababasa
rin ang mga tula niya sa Home Life Magazine,
Sunday Inquirer Magazine, Philippine Panorama,
National Midweek, Philippines Free Press, Philippine
Graphic at The Sunday Times.
Tampok din ang kanyang mga tula sa mga antolohiyang
ito: In Time Passing, There Are Things, Ang
Aklat Likhaan (UP ICW), Sands and Coral
(SU), Ani (CCP), Patubas (NCCA),
Mantala, Busay (UP Visayas), Native Words,
Native Roots (MSU – IIT), SanAg
(University of San Agustin), The CCP
Literary Yearbook, Sansiglong Modernistang Panulaan
sa Pilipinas (A Century of Modernist Poetry
in the Philippines – UP Press c/o Rio Alma).
Bukod sa pagsasaka, abala rin si Alain sa pagiging
bahagi ng pamunuan ng mga organisasyong lokal
at internasyonal na tumutulong mapangalagaan ang
yamang-likas ng Iloilo. Siya rin ang consultant
at co-coordinator ng Research at Subject Head
para sa Creative Writing ng Special Program for
the Arts sa Iloilo National High School. Kolumnista
rin siya ng Panay News, Sunstar-Iloilo, The
News Today at Newsexpress.
back to authors | home |