Reynaldo A. Duque

Talambuhay

Si Reynaldo Duque ay ipinanganak noong ika-29 ng Oktubre 1945 sa Bagani Ubbog, Ilocos Sur. Siya ay nagtrabaho bilang managing editor ng Liwaway na magasin. Siya rin ang naging presidente ng Gunglo Dagiti Mannurat ng Ilokano (GUMIL) Filipinas. Si Duque ay nagsusulat ng tula, nobela, maikiling kwento na nasa wikang Ilocano, Tagalog, at Ingles.

Nakakuha si Duque ng mahigit 63 na parangal at gawad sa wikang Ingles, Ilocano, at Tagalog. Sa 63 na parangal na yan, 8 ang galing sa Don Carlos Palanca Memorial Awards sa aspetong panitikan, 2 galing sa Palihang Aurelio Tolentino, at 4 galing sa Gawad CCP sa Panitikan.

Halos lahat ng kanyang mga naisulat na maikling kwento at nobela ay nailathala sa Bannawag, Bisaya, Yuhum, P.M News, Balita ng Maynila, at sa iba pang mga sikat na magasin.

Popular Posts