Si Eugene Evasco ay Assistant
Professor ng Malikhaing Pagsulat at Panitikang
Pambata sa College of Arts and Letters, U.P. Diliman.
Kabilang sa mga aklat pambata niya ang Mariang
Sinukuan: Ang Diwatang Tagapag-ingat ng Bundok
Arayat, Ang Bisita ni Haya, Bilog ang Buwan sa
Tanghali, Baha!, HIlong Talilong, Apat na Mata,
May Leon sa Aking Dibdib, Si Isem sa Bayang Bawal
Tumawa, Anina ng mga Alon, Misteryo! at
Federico. May-akda rin siya ng mga textbook
para sa high school at kolehiyo, kabilang na ang
Sining ng Tula at Maikling Kuwentong Pambata
(co-author). Nalathala sa Singapore ang aklat
niyang Si Isem sa Bayang Bawal Tumawa
at naisalin sa mga wikang English, Bahasa, Tamil,
at Mandarin. Nagwagi na siya ng walong Palanca
Awards para sa tula, kuwentong pambata, at sanaysay.
Naging Makata ng Taon noong 2000, PBBY-Salanga
Prize Winner noong 1997, at NCCA Writer's Prize
Awardee para sa sanaysay noong 2003. Ang kaniyang
nobelang Anina ng mga Alon ay pinarangalan
ng Gawad Chancelor para sa Akdang Pampanitikan,
Pilar Perez Medallion for Young Adult Literature,
at ng National Book Award (Young Adult Literature)
ng Manila Critics' Circle. Nalathala naman sa
Diliman Review, Humanities Diliman, Banwa, at
Philippine Humanities Review ang mga sanaysay
at pananaliksik niya ukol sa panitikang pambata
at panitikang-bayan ng Pilipinas. Itinanghal siyang
National Fellow for Children’s Fiction ng
LIKHAAN: UP Institute of Creative Writing noong
2005. Punong-patnugot siya ng Lagda, ang refereed
journal ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan
ng Pilipinas. Kasalukuyan niyang tinatapos ang
programang Ph.D para sa malikhaing pagsulat sa
Unibersidad ng Pilipinas at inihahanda ang kaniyang
koleksiyon ng mga kritisismo sa panitikang pambata.
Nagsisilbi siya ngayong Assistant na Tagapangulo
ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
ng UP.
back to authors | home |