Buenaventura S. Medina Jr.

Talambuhay

Mula sa ilang dekada na obra, si Buenaventura S. Medina Jr. ay kinilala sa husay sa uri ng panunulat ng pagpupunang pampanitikan o kritisismo. Ang uri ng panitikan na ito ay nasesentro sa paraan ng pagtalakay sa isang obrang panitikan, may akda nito o ang kahalagahan nito sa kasalukuyang pangkaisipan. Hinimok din niya ang kaisipan ng mga mambabasa na maaring kwestyunin ang mga dogmatikong kamalayan.

Ginawaran siya ng Don Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong 1995 dahil sa kanyang natanggap na mahigit sa sampung parangal sa sining kabilang ang kanyang mga maikling kwento at sanaysay. Ang ilan sa mga ito ay ang mga Confrontations, Past and Present in Philippine Literature; Dayuhan; The Primal Passion; Francisco Baltazar’s Orosman at Zafira. Kinilala din siya sa ibang bansa dahil sa kanyang mga kontribusyon sa panitikan. Sa katunayan, pinarangalan siya ng South East Asia Writer Award (SEAWRITE) noong 1994.

Sa kabila ng mga parangal na natanggap niya, hindi pa rin siya tumigil linangin ang mga kaisipan ng mga tao. Nagsilbi din siyang isang propesor sa Far Eastern University, the Ateneo de Manila University, at ng De La Salle University. Dagdag pa dito ay ang kanyang pagsali bilang isang editor The Philippines Free Press. Inihandog niya ang kanyang buhay sa panitikang Pilipino.

Popular Posts