Michael M. Coroza

Talambuhay

Si Michael M. Coroza ay isang batikon manunulat at makata. Siya ay mas kilala bilang tagasalin ng mga sulat na nasa wikang Tagalog. Siya ay nagsusulat ng mga tula, salaysay, mga sulat na basehan sa kathang-isip.

Ang Talambuhay ni Michael M. Coroza

Si Coroza ay ipinanganak noong ika-26 ng Agosto 1969 sa lungsod ng Maynila. Siya ay nag-aral ng kolehiyo sa kursong AB Philosophy sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkatapos niya sa kolehiyo ay agad siyang kumuha ng kanyang masteral degree sa Ateneo de Manila University. Noong 2010, nakuha niya ang kanyang doctoral degree sa larangan ng Philippine Literature and Translation sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, siya ay nagtatrabaho bilang associate na propesor sa literatura, malikhaing pagsusulat, panitikan, at pagsasaling pampanitikan. Siya bahagi ng Arts Faculty sa parehong graduate at undergraduate school sa Ateneo de Manila University. Si Coroza ay ikinasal kay Jeanetter Job Coroza na nagtatrabaho bilang direktor sa isang maatas na paaralan at siya ay may tatlong anak na sina Miko Idyanale (1995), Jean Araya (1996), at Miguel (2003).

Mga Gawa and Kontribusyon ni Michael M. Coroza

Si Coroza ay naging kilala bilang mahusay na tagapagsalaysay, manunulat ng fiction at kritikal na salaysay, makata, at literary translation. Siya ay naging kasapi at naging pangulo ng grupong Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (Lira). Sa kasalukuyan, siya ang tumatayong sekretarya-heneral ng Union of Writers of the Philippines. Siya rin ang kagawad sa lupon ng Wika ng Kultura at Agham.

Kagaya ng mga sikat na manunulat sa kasaysayan ng Pilipinas, nagkaroon din ng maraming gawad at gantimpala si Coroza dahil sa kanyang taglay na galing sa literatura, panitikan, at pagsasalin. Noong 1991-2009, ginawaran siya ng ika-8 na beses sa mga taong 1999-2009 ng Don Carlos Literary Award. Noong 2005, ginawaran siya ng Francisco Balagtas Prize ng Committee of Philippine Literature. Nakakuha din siya ng S.E.A Write Award sa taong 2007. Noong 2009, nakakuha siya ng Award of Honor Ani ng Dangal na ginawad sakanya ng National Committee for Culture and Arts. At noong 2012 lamang ay ginawaran siya ng kanyang minamahal na alma mater (Ateneo de Manila University) ng Rev. Horacio de la Costa Prize.

Lahat ng mga gantimpala at gawad na nakuha ni Cozora ay dahil sa kanyang husay at talino sa pagsusulat. Lahat ng kanyang mga obra maestro, tulad ng ASEANO: An Anthology of Poems from Southeast Asia, ay ang naging daan niya sa kanyang rekognisyon sa larangan ng panitikan. Halos lahat ng kanyang mga sinulat ay sumikat di lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Ilan lamang sa mga gawa na iyon ay ang Kritika Kultura, Philippine Studies, Unitas, Tomas, Bulawan Journal of Arts and Culture, at iba pa. Nagkaroon din siya ng sarili niyang column sa isang magasin na literatura na Haraya at Liwayway.

Popular Posts