Si Beverly Wico Siy ay
ipinanganak sa Quirino, Maynila noong 10 Disyembre
1979. Nagtapos siya ng BA Malikhaing Pagsulat
sa Filipino (cum laude) sa UP Diliman. Mahigit
dalawang taon siyang naging manunulat/mananaliksik
sa Creative Collective Center, Inc., isang non-government
agency na nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan.
Isa sa mga proyekto nito ang P.S.R. Pag-ibig,
Seksuwalidad at Relasyon radio program sa DZME
1530 khz kung saan naging co-anchor ni Dra. Sylvia
Estrada-Claudio si Bebang. Tumagal nang mahigit
dalawang taon ang PSR at sumahimpapawid din sa
DYHP 1640khz, ang nangungunang radio station sa
Cebu. Kasabay ng PSR ay ilang mga pampanitikang
proyektong pinamunuan ni Bebang. Ito ang TEXTANAGA,
DALITEXT at DIONATEXT, mga pambansang patimpalak
sa tula hatid ng UP ICW, NCCA, FIT at UMPIL.
Ang kanyang mga tula, sanaysay at kuwentong pambata
ay nailathala sa Tambuli Magasin para sa Wika
at Panitikan ng Diwa Scholastic Press, Sands and
Coral Literary Journal, Pinoy Weekly tabloid,
Homelife Magazine, Gutom.org, Dalityapi e-zine
at Tinig.com e-zine. Ilang beses siyang nanalo
sa mga patimpalak sa unibersidad noong college
days niya at finally, nakasungkit ng 2nd runner-up
award sa Talaang Ginto ng Komisyon ng Wikang Filipino
noong Abril 2002.
Naging fellow na si Bebang sa UP at UST Writers
Workshops at naging aktibong bahagi ng pamunuan
ng UP Writers Club at LIRA. Dito siya naging bihasa
sa pag-oorganisa ng mga pampanitikang okasyon.
Ang Berso at Subersyon Pag-alala kina Amado Hernandez
at Alejandro G. Abadilla ng CCP at LIRA noong
Marso 2006 ang pinakahuli niyang proyekto bilang
organizer. Nakapagbigay siya ng lecture (Introduksiyon
sa Tula) sa DLSU, PUP at Trinity College.
Ngayon, isang M.A. student ng Panitikang Filipino
si Bebang. Isa rin siya sa mga mananaliksik ng
panitikan.com, literary events organizer ng Bahandi,
isang organic restaurant sa Nakpil, Malate at
guro ng Ingles sa New English Concept. Lahat ito,
part time lang dahil full time yaya siya ni EJ.
Contact details:
0919-3175708
bebang_ej@yahoo.com
128 K-8th St., Kamias, Quezon City
telefax: 922-1830
back to authors | home |