authors

Rene O. Villanueva

Isa sa pinakamasigasig na manunulat na Filipino si Rene O. Villanueva. Nagsimula siyang kumatha ng mga dula, kuwentong-pambata at sanaysay noong magtatapos ang dekada ’70. Noong 2004, ginawaran siya ng Gawad CCP Para sa Sining (Literatura); nahirang siyang Pinakamahusay na Alagad ng Sining sa 2005 Gawad Chanselor sa UP. Kabilang siya sa unang batch ng manunulat na iniluklok sa Hall of Fame ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature; bukod sa may hawak ng dalawampu’t siyam, pinakamaraming bilang ng natamong karangalan mula sa Palanca sa buong kasaysayan ng timpalak.

back to authors | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive