The Naga We Know Book Review

Ang lungsod nag Naga ang itinuring bilang “The Heart of Bicol” at “The Queen City of Bicol”. Maraming mga tao na nanggaling sa ibat’t ibang bansa ang dumarayo dito upang matuto, kumain, magtuklas, at magdasal sa minamahal na Ina. Maraming rason para bisitahin ang lungsod ng Naga. Ang lokal na tambayan ng Naga na tinatawag na Kantong Putikon ay ang lugar na kung saan ibinahagi ni Nick Prieto ang mga kwentong bayan, tulad ng tungkol sa isang desperadong lalake na gusto nang tapusin ang buhay niya sa pamamagitan ng paghiga sa riles ng PNR dahil sa ilang araw ng paghihintay sa tren na ito at walang kain.

Sa tapat ng lumang kapitolyo ng probinsya, na kung saan bakat na bakat ang mga katangian nito, bago sa kinatatyuan ng estatwa ng isang pambansang bayani, si Kalamay, na ipinangalan sa isang sikat na kakanin, ay namuno ng isang debate tungkol sa isang kasabihan sa Bibliya, at minsan tungkol sa pamamahala ng Marcos.

Popular Posts