Ophelia Alcantara Dimalanta

Talambuhay

Mahigit kalahati ng buhay ni Ophelia Alcantara ay ginugol niya sa pagtuturo at paglikha ng mga obrang pampanatikan. Isa siya sa pinakatanyag na makata. Sa katunayan, ang kanyang Montage ay pinarangalan ng prestihiyosong Don Carlos Palanca Awards noong 1975 na siya ring nagwagi ng Best Poem of the Year (1974) sa Iowa State University sa Estados Unidos. Kinalaunan, natamo din niya ang pinakamataas na karangalan sa Timog Asya sa larangan ng panitikan, ang S.E.A. Write Award. Ang kanyang mga obra ay nagtatampok sa pagkababae at ang karanasan ng mga babae.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang mithiin na hubugin ang mga kaisipan ng mga kabataan sa panitikan bilang isang propesor sa kanyang alma mater. Sa Unibersidad ng Santo Tomas siya nagtapos ng kanyang B.A., M.A. at Ph.D. in Literature at nagsimulang magturo noong 1953 at di naglaon naging Dean of UST Faculty Arts and Letters.

Maliban sa kanyang pinakabantog na obrang Montage, nakapaglimbag din siya ng maraming libro at dula tulad ng Anthology of Philippine Contemporary Literature; The Ophelia Alcantara Dimalanta Reader, Volume 1 and 2; Lorenzo Ruiz, Escribano: A Play in Two Acts at The Philippine Poetic. Pumanaw si Dimalanta sa edad na 76 noong 2010 dahil sa stroke.

Popular Posts