drama
Si Nigang
ni U
Z. Eliserio
Synopsis
Ang dulang ito ay tungkol sa pag-ibig, panggagahasa
at sinigang. Literal na tungkol sa pag-ibig, panggagagahasa
at sinigang, ang mga bida'y nagngangalang Pag-ibig,
Boy Rapist, Serial Rapist at Nigang. Isang bayan sa
Bicol ang lulan ng kwento, bayang biktima ng tagutom.
Anak si Nigang ni Manong Carinderia, ang may-ari ng
tanging bukas na carinderia sa bayan, na sa ubod ng
mahal ng binebentang pagkain ay walang tumatangkilik.
Iniibig ni Nigang ang maginoong si Jesus, ngunit haharang
sa kanilang pagmamahalan ang mayamang si Boy Rapist,
na kinokontra si Manong Carinderia na ipagpalit si
Nigang para sa pera.
MGA TAUHAN:
NIGANG, 19, Matabang babae
BOY RAPIST, 42, Manliligaw ni Nigang
MANONG CARINDERIA, 58, Ama ni Nigang
SERIAL RAPIST, 25, Kapatid ni Boy Rapist
JESUS, 33, Manliligaw ni Nigang
PAG-IBIG, 53, Lover ni Jesus
SEX, 50, Kapatid ni Pag-ibig
ILUSYON, 30, Kaibigang matalik ni Sex
PANAHON AT TAGPUAN:
Kasalukuyan.
Sa isang bayang dumaranas ng taggutom.
Isang carinderia. May mesang
may dalawang kaldero. May tatlong upuan. Nakatayo
si Nigang at ang tatay niyang si Manong Carinderia
sa likod ng mesa. Sina Boy Rapist, Serial Rapist,
Pag-ibig, Sex at Ilusyon ay nakaupo kasama ng mga
nanonood.
BOY RAPIST (Tatayo.): Jesus,
tulungan mo ako!
JESUS (Papasok sa carinderia. Tatayo
sa gitna.): Narito ako.
BOY RAPIST (Luluhod.): May problema
ako, Jesus.
JESUS (Titingin sa relo.): Merong
kang dalawang minuto, sige kwento.
BOY RAPIST: A, e, para maliwanag sa
simula pa lang, gusto kong ipaalam sa 'yong 'di ako
naniniwala sa 'yo.
JESUS: Yagay, a. Ba't mo 'ko kinakausap?
BOY RAPIST: Kaya nga patunay na ganoon
kagrabe 'yung problema ko e.
JESUS (Sa mga nanonood sasabihin.):
Hindot na bata 'to o.
BOY RAPIST: Po?
JESUS: A, wala. Ano ba 'yang problema
mo?
BOY RAPIST: Meron kasing babae..
JESUS: 'Sus, 'yun lang pala. Hormones
lang 'yan.
BOY RAPIST: Anna ang pangalan n'ya..
JESUS: Meron akong mga VHS tapes na
makakatulong sa 'yo. Traci Lords! Hubba, hubba!
BOY RAPIST: Gusto ko talaga s'ya at..
JESUS: Kung 'di nun masagot ang problema
mo sa libog, meron akong kakilalang lalake sa Ermita.
Alam mo na, bugaw.
BOY RAPIST: At (Pasigaw.) kaibigan
ko s'ya!
JESUS: Tinding mamblojab ng mga baba-kaibigan?
BOY RAPIST: Oo. Pero, nililigawan
ko s'ya.
JESUS: O, libido nga.
BOY RAPIST: Ano ba? Makinig ka nga.
Hindi sekswal ang kalikasan ng pagnanasa ko sa kanya.
JESUS (Pasigaw.): Ulol!
BOY RAPIST: Putang-ina, maniwala ka
naman. Ikaw na lang ang pag-asa ko, gaganyanin mo
pa 'ko.
JESUS: Pero nagsisinungaling ka sa
'kin.
BOY RAPIST (Tatayo. Magdadabog.):
Leche ka, kalimutan mo na nga. Mag-usap na lang tayo
'pag patay na ako.
JESUS: Uy, nagalit.
BOY RAPIST (Uupong muli.) Si
Satanas siguro makikinig.
JESUS: Oo, pero maniningil. (Patlang.)
Ito naman o, nakikinig ako. Libre pa'ng advice.
BOY RAPIST (Luludod muli.):
Well, katulad nga ng sinabi ko: kaibigan ko si Anna
at gustong-gusto ko s'ya-
JESUS: Bakit?
BOY RAPSIT: Ha?
JESUS: Bakit mo s'ya kaibigan, at bakit
mo s'ya gustong-gusto?
BOY RAPIST (Matagal bago sumagot.):
Kaibigan ko s'ya dahil pinakitaan n'ya ako ng kabaitan.
JESUS (Sarkastiko): Kabaitan?
BOY RAPIST (Matagal bago sumagot.):
Itinuring n'ya akong parang tao, at sinulatan ng mga
sulat na-mabait.
JESUS: Loser ka nung hayskul.
BOY RAPIST: Ano? Hindi!
JESUS: Hindi 'yon tanong.
BOY RAPIST: Salbahe ka.
JESUS: Hindi, Diyos ako. Ngayon, balik
sa problema mo. Sabi mo kaibigan mo s'ya. Kaibigan
ka ba n'ya?
BOY RAPIST: Oo naman.
JESUS: Sigurado ka?
BOY RAPIST: Um, e, sabi n'ya, simula
raw nang manligaw ako, tumigil na ang pagkakaibigan
namin.
JESUS: Balik tayo dun. Bakit mo nga
ba s'ya niligawan?
BOY RAPIST: Bakit ba nanliligaw ang
mga lalake sa babae?
JESUS (Nagpapatawa.): Para
sa sex?
Hindi sasagot si Boy
Rapist.
JESUS: Bakit ba nanliligaw ang mga
lalake sa babae? Ikaw ang magsabi sa 'kin. 'Di pa
naman ako nakakapanligaw.
BOY RAPIST: Kasi.
JESUS: Ano?
BOY RAPIST: Kasi, kasi I was in love
with her.
JESUS: Was?
BOY RAPIST: I was in love with
her kaya ko s'ya niligawan, I am in love with
her kaya ako may problema.
JESUS: Sige, tuloy. Anong problema?
BOY RAPIST: Nililigawan ko s'ya, pero
ayaw n'ya akong sagutin.
JESUS: Alangan namang pilitin mo s'ya.
Humanap ka na lang ng iba.
BOY RAPIST: Hindi 'yon ganung kadali.
Lagi s'yang nasa isip ko at 'di maalis.
JESUS: E kaso nga, ayaw n'ya sa'yo.
Ayaw ka n'yang sagutin.
BOY RAPIST: Pero merong mga sandaling
pakiramdam ko'y may pagtingin na rin s'ya sa 'kin.
Wala bang kwenta 'yon?
JESUS: Wala.
BOY RAPIST: Kahit konti?
JESUS: Wala.
BOY RAPIST: Pero walang ibig sabihin
ang buhay kung wala s'ya.
JESUS: Hmm.. Sinabi mo rin 'yan tungkol
kay Janice.
BOY RAPIST: Ha? Hindi 'no. Laki-joga
lang si Janice. Si Anna kung bumasa ng tula parang-parang
Diyos.
JESUS: Pare-pareho lang 'yan. Laki-joga,
Diyos-sa-pagbasa-ng-tula. Pwede kang mabuhay nang
wala ang mga 'yon.
Iiyak si Boy Rapist.
JESUS: O, naku naman o.
BOY RAPIST: Gusto ko nang mamatay.
JESUS: Sus, narinig ko na 'yan. Bawat
buwan naiinlab ka, bawat buwan nababasted ka, kaya
bawat buwan gusto mong mamatay.
BOY RAPIST: Hoy! FYI second year high
school pa lang gusto ko nang mamatay. May problema
ako sa pamilya.
JESUS (Bababa papunta lugar kung
saan nakaupo ang mga nanonood, yayakapin si Boy Rapist.)
Okay fine whatever. Ano nga ba'ng pangalan mo ulit?
BOY RAPIST: Boy Rapist.
JESUS (Pabulong.) Pusang-inang
pangalan 'yan. (Normal na boses muli.) Alam
mo, Boy Rapist, maraming babae d'yan.
BOY RAPIST: Pero iisa lang si Anna.
JESUS: Oo, alam ko. Alam ko'ng nararamdaman
mo.
BOY RAPIST: Hindi naman e. 'Di ka
pa naman nakakapanligaw, at 'di ka pa nababasted.
Matatahimik si Jesus.
Tatanga. Matagal na mag-iisip.
JESUS: Oo, totoo. 'Di pa 'ko nakakapanligaw-
BOY RAPIST: O, pa'no mo 'ko maiintindihan?
JESUS: Pero ilang milyon na ang nambasted
sa 'kin.
BOY RAPIST: Milyon?
JESUS: Agnostics. Atheists. Satanists.
Hahagulgol si Boy Rapist.
JESUS: Masakit 'pag 'di ka mahal ng
mahal mo. Pero kailangan mong sumulong.
BOY RAPIST: Sumulong?
JESUS: Oo, sumulong. Ang buhay parang
pagsakay sa dyipni. Ang importante'y 'yung patutunguhan.
BOY RAPIST: Paano kung masikip?
JESUS: Tiisin mo kahit masikip. Malay
mo, sa susunod na kanto, lumuwag na.
BOY RAPIST: Lumuwag?
JESUS: Oo, pag may bumaba.
BOY RAPIST: Bumaba?
JESUS: Bumaba, alam mo 'yon, mamatay.
Pagkatapos nun, okay na ang sakay.
BOY RAPIST: At ano naman ang pagmamahal?
JESUS: Pagmamahal? Ang pagmamahal
para ring pagsakay ng dyipni.
BOY RAPIST: Pagsakay din ng dyipni?
JESUS: Tiisin mo kahit masikip. Malay
mo, sa susunod na kantot, lumuwag na.
BOY RAPIST (Titigil sa pag-iyak.)
Ang bastos n'yo naman Jesus.
JESUS: Ayan, napangiti rin kita. Basta
ngumiti ka lang. Tandaan mo, lagi akong narito para
sa 'yo.
BOY RAPIST: Salamat. (Magpapahid
ng luha. Yuyuko.) Paumanhin at lagi kong
sinasabing patay ka na.
JESUS (Babalik sa gitna ng carinderia.
Titingin sa relo.): Paumanhin at hindi ka na tinitigasan.
BOY RAPIST: Patawad lagi akong nagmumura.
JESUS: Patawad namatay ang 'yong ama.
BOY RAPIST: Sorry lagi akong nagbabasa
at nanonood ng porno.
JESUS: Wag kang magsori, 'di 'yon kasalanan.
Sori naputol ang kalingkingan ng 'yong ina. (Aalis
ng carinderia.)
BOY RAPIST: Paumanhin 'di na ako nagdarasal.
Pakiramdam ko kasi minsan, parang ako lang ang kinakausap
ko. Pakiramdam ko walang nakikinig sa 'kin.
Matagal na tahimik.
BOY RAPIST: Jesus? (Iaangat ang
ulo. Tatayo. Maghahanap, hahalughugin at guguluhin
pati ang mga nanonood. Pupunta pati sa carinderia.
Bababa at muling uupo kasama ang mga manonood.
Titingin sa relo.) Putang-ina naman o. Ubos
na'ng dalawang minuto. (Uupo.)
MANONG CARINDERIA (May hawak na
sandok, nagluluto.): Kailangang magmadali tayo
Nigang, anak, marahil maraming bibili ngayong araw.
NIGANG (Pasigaw, masungit na masungit,
nanduduro.): He! Para kayong sira-ulo ama. Alam
n'yo namang walang makakakaya sa presyo ng ating pagkain.
Walang kwenta ang magbukas pa ng carinderia! Tayo
lang ang makakakain ngayong araw. Mamamatay ang ating
mga kababayan. Hindi sa may pakialam ako sa kanila.
Nakakainis na lang kasing pakinggan ang inyong kalokohan.
MANONG CARINDERIA (Hihikbi.):
O anak ko, Nigang. Ang ganda-ganda mo pero ang sungit-sungit
mo.
Pupunta si Nigang sa
gitna ng carinderia at astang-model na ipagmamalaki
ang kagandahan. Tapos ay babalik s'ya sa likod ng
mesa, at kukuha ng isang plato.
MANONG CARINDERIA (Unti-unting aatras.):
Naging masungit ka simula nang mamatay ang iyong ina.
NIGANG: Peste kayong matanda. Hindi
ako masungit! Hindi! Maganda ako. Iyon lang!
Aalis carinderia si
Manong Carinderia.
NIGANG (Magkakamay habang kumakain.
Kakausapin niya ang kanyang sarili.): Pero totoo.
Totoo, napakasungit ko nga. Pero kung alam mo lang
Ama ang dahilan. Dalaga na ako. Naaakit sa akin
ang lahat ng lalaki sa bayan natin. Ang kaso, hindi
ako pwedeng mag-asawa. Dahil walang mag-aalaga sa
inyo! Habambuhay akong taga-hugas ng pinggan. Masungit
ako dahil wala na si Ina, s'ya dapat ang inyong kasama!
Lagi ko siyang naalala kapag kinakain ko ang mahal
nating putahe. Ama, bakit hindi pa ba kayo mamatay?
Para ako naman ay magkaroon ng lalaki sa aking buhay.
(Nganganga at tutunganga.)
Papasok si Jesus sa
carinderia, may dalang bulaklak at kutsilyo. Tatayo
si Nigang para lumapit sa kanya.
JESUS (Itututok ang kutsilyo sa
dibdib ni Nigang.): Nigang, tanggapin mo ang bulaklak
na ito.
Kukunin ni Nigang ang
bulaklak.
JESUS: Sabi ko nga ba at hindi ka naman
talaga masungit! Sagutin mo na ako. Magpakasal na
tayo!
NIGANG: Hindi maaari.
JESUS: Kung hindi na magpapakasal sa
akin, mas mabuti pang mamatay na lamang ako. (Ituturo
ang kutsilyo sa dibdib.) Mahal kita!
NIGANG: Mahal din kita, pero hindi
ako maaaring magpakasal at sumama sa iyo. Kailangan
kong bantayan si Ama!
JESUS: Kung ganoon, paalam mahal. (Magsasaksak
si Jesus, babagsak sa sahig.)
Iiyakan
ni Nigang si Jesus, yayakapin n'ya bangkay nito.
NIGANG: Mahal! Mahal kong Jesus.
Papasok si Manong Carinderia
sa carinderia.
NIGANG (Biglang tatayo at titigil
sa pagluha): Ama!
MANONG CARINDERIA: Ano ito? Katawan
ng lalaki? Manliligaw mo? Bakit siya rito natutulog?
NIGANG: Huwag mo akong distorbuhin
tanda. Wala akong pakialam sa bangkay na iyan. (Aalis
sa carinderia.)
MANONG CARINDERIA: Kung gayon, iluluto
ko na lang ang bangkay na ito, katulad ng ginawa ko
sa Ina ni Nigang. Kung alam mo lang Nigang. Nagpakamatay
ang iyong Ina para may makain ka: ang kanyang bangkay.
Siya ang nagliligtas sa atin sa kagutuman. Kaya mahal
ang presyo ng pagkain natin, para walang makabili
sa laman ng iyong Ina! Ikaw lang may karapatang kumain
sa kanya. Pero ang isang ito (Ituturo si Jesus.),
maaaring ibenta nang mura. (Pupulutin ni Manong
Carinderia ang kutsilyo't ipapatong sa mesa. Bubuhatin
ni Manong Carinderia si Jesus. Aalis sila sa carinderia.
Pupunta sila kung saan nakaupo ang mga nanonood.
Uupo sila.
Babalik si Nigang sa
carinderia.
NIGANG: O Jesus, o Jesus. Ngayong
wala ka, hindi na ako maaaring umibig muli. Habambuhay
na akong masungit. Taga-hugas ng pinggan, sayang
ang kagandahan! (Yuyuko.)
Babalik si Manong Carinderia
sa carinderia, may dalang kaldero.
MANONG CARINDERIA (Aakbayan si Nigang.):
Sige na anak, ako muna ang magbabantay dito.
Hindi iimik si Nigang.
MANONG CARINDERIA (Itutulak si Nigang.)
Sige na, yawa. Magsibak ka na ng kahoy sa likod-bahay.
Walang imik na aalis
si Nigang sa carinderia. Papasok si Boy Rapist sa
carinderia.
BOY RAPIST: Magandang araw po. May
babae po ba rito? Pahingi na rin ng pagkain. (Gagamitin
ang pera bilang pamaypay.) Kay init! (Uupo.)
MANONG CARINDERIA: Isa lang po ang
babae rito, at hindi siya ipinagbibili. Meron naman
po kaming dalawang putahe, iyon na lang ang inyong
kainin.
BOY RAPIST: O sige. Ano ba iyang luto
mo at magkano?
MANONG CARINDERIA (Tuturo sa isang
kaldero): Ito po ay "Katawan ni Jesus," tatlong
daan piso bawat piraso ng laman. (Ituturo ang
pangalawang kaldero) Ito naman po ay "Ina ni Nigang"
tatlong libong piso bawat piraso ng laman.
BOY RAPIST: Ang mahal naman niyang
"Ina ni Nigang"! Masarap bang kainin?
MANONG CARINDERIA: Noong buhay pa po?
Oo! Ngayong luto na, hindi gaano. Susungit lang
kayo kung kakainin ninyo siya. Itong "Katawan ni
Jesus" na lang ang kainin ninyo, mura na, masarap
pa!
BOY RAPIST: Niloloko mo ako. Sa babae
at sa pagkain, kapag mas mahirap makuha, siguradong
mas masarap! Gusto ko iyong "Ina ni Nigang". (Babatuhin
niya ng pera si Manong Carinderia.) Mayaman ako,
kaya kong bumili nang maraming-marami. (Tatawa.)
Bigyan mo ako ng isang pirasong laman!
MANONG CARINDERIA: Ayaw ko. Umalis
ka na!
BOY RAPIST: Loko kang matanda ka, ha!
(Maglalabas ng baril.)
Papasok si Nigang sa
carinderia.
MANONG CARINDERIA: Nigang, tulong
NIGANG: Ama, ano ang nangyayari? (Kukunin
ni Nigang ang sandok para ipagtanggol si Manong Carinderia.
Magkakatitigan sila ni Boy Rapist.)
BOY RAPIST (Sa sarili.): Kay
gandang babae. Ang laki ng kanyang-bilbil!
NIGANG (Hahawak sa bilbil. Sa sarili
sasabihin.): Kay pangit na lalaki. Pero mukhang
mayaman! (Kay Manong Carinderia.) Hoy tanda,
bakit ka nang-aaaway ng mambibili? (Kay Boy Rapist.)
At ikaw lalake, luko-luko ka ba? Pumapatol sa matanda!
BOY RAPIST (Itatago ang baril.):
Ang matanda ang may kasalanan.
NIGANG: Ama naman!
MANONG CARINDERIA: Bakit ka kumakampi
sa kanya, ako ang iyong ama!
NIGANG: Oo nga pala. Lumayas ka sa
aming carinderia!
BOY RAPIST (Magsasaboy ng tsokolate
sa mesa.): Patawad!
Kukuha si Nigang ng
isang piraso at kakainin ito.
NIGANG: Ang sarap! Hindi tulad ng
benta namin sa carinderia. Ang tamis nito, hindi
tulad ng "Ina ni Nigang," mapakla iyon!
MANONG CARINDERIA (Kukunin ang sandok
na hawak ni Nigang, susugod kay Boy Rapist.):
Ginayuma mo ang aking anak!
Tatakbo si Boy Rapist
palayo.
NIGANG: Tigil tanda!
Titigil si Manong Carinderia.
NIGANG (Hahabulin si Boy Rapist,
hahawakan ang braso nito.): Sige, pinapatawad
ka na namin. Umalis ka na, at kung may balak kang
bumalik, kailangan may dala ka nitong muli.
BOY RAPIST: Tsokolate ang tawag diyan.
Matamis, para sa iyong maasim dahil sa sungit! Oo,
babalik ako. (Aalis si Boy Rapist sa carinderia,
babalik kung saan nakaupo ang mga nanonood. Uupo.)
MANONG CARINDERIA: Bakit mo siya pinatawad?
Hindi s'ya papansinin
ni Nigang. Uupo lang si Nigang sa mesa, magsisimulang
kumain ng tsokolate. Aalis si Manong Carinderia
sa carinderia.
NIGANG: Mahal kong Jesus. Dahil mahal
kita sa 'yo lamang ako liligaya. At di na muling
iibig pa. Pero napakasarap ng tsokolate na ito!
(Kakagat sa tsokolate.) Marahil, kung papaasahin
ko ang lalaking iyon, lagi lang niya akong bibigyan
ng tsokolate. (Tatayo.)
Papasok si Manong Carinderia
sa carinderia.
MANONG CARINDERIA: Gabi na, kumain
na tayo.
NIGANG: Kumain na ako ng tsokolate.
Ayaw ko na iyang "Ina ni Nigang."
MANONG CARINDERIA (Kukuha ng sandok,
ipapalo kay Nigang.): Nababaliw ka na bang bata
ka? Nagsakripisyo ang Ina mo para makain mo ang putaheng
iyan! Kumain ka!
NIGANG: Bakit ba laging kayo ang nagde-desisyon
para sa akin? Nawalan na nga ako ng minamahal dahil
sa inyo. Hindi ko na nga maaaring makasama si Jesus.
Ngayon, pati naman ba ang pagkain ko ay kokontrolin
ninyo? Sampung taon nang patay si Ina, sampung taon
na ring "Ina ni Nigang" ang lagi kong pagkain, umaga
tanghali gabi! Anong klase kayong Ama!
MANONG CARINDERIA (Ingungudngod
ang mukha ni Nigang sa kaldero.): Kumain ka!
Mahiya ka sa alaala ng iyong Ina!
Uupo si Nigang sa harap
ng plato, magkakamay habang kumakain, aalis si Manong
Carinderia sa carinderia.
NIGANG (Tatayo, kukuha ng tsokolate.):
Dahil sa iyo Ama, naging masungit ako. Dahil sa iyo
hindi na ako maaaring umibig. Kayong mga lalake'y
parating gumagawa ng mga sitwasyon para paliitin
kaming mga babae. Gaganti ako! Hindi man sa iyo,
makakaganti pa rin ako tulad mong lalaki!
Papasok si Boy Rapist
sa carinderia, kasama si Serial Rapist. Iaabot ni
Boy Rapist ang ilang kahon ng tsokolate na kukunin
at bubuksan agad ni Nigang.
BOY RAPIST: Hindi nga pala ako nagpakilala.
Ako si Boy Rapist. Ito nga pala ang kapatid ko, si
Serial Rapist.
NIGANG (May lamang tsokolate ang
bunganga.) Upo kayo, upo.
Uupo ang tatlo.
BOY RAPIST: Nigang, hindi na ako magpapaligoy-ligoy
pa. Gusto kitang pakasalan. Magkano ka ba?
NIGANG: Nakapagtataka, bakit hindi
ang Ama ko ang iyong tanungin tungkol sa aking presyo?
BOY RAPIST: Nakapag-aral kasi ako sa
University of the Philippines. Nakahalubilo ko ang
mga feminista. Naniniwala akong ang babae dapat ang
magbigay ng presyo sa kanyang sarili.
NIGANG: Kamangha-mangha!
SERIAL RAPIST: Oo. Kahit nga mismo
ako ay nabibigla sa kalayaan ng kanyang mga ideya.
(Hihimasin ni Serial Rapist ang braso ni Boy Rapist,
maghahawakan sila ng kamay.) Bukas s'ya sa lahat
ng bagay, hindi lang feminismo. Halimbawa, nagpapaturo
s'ya aking magluto. Kung 'di mo naitatanong, magaling
akong chef, at-(Hindi matatapos ang sinasabi.)
NIGANG (Sisingit sa pagsasalita
ni Serial Rapist.): Boy Rapist. Ako ay isang
babaeng hindi nabibili.
Maghahawakan ng kamay
sina Boy Rapist at Serial Rapist. Sabay silang tatayo.
BOY RAPIST at SERIAL RAPIST: Mayroon
bang ganun?
NIGANG: Ako. Ang tanging malayang
babae bayang ito, sa buong Pilipinas. Sa mundo!
Uupo sina Boy Rapist
at Serial Rapist.
BOY RAPIST: Kung ganoon, ano ang kailangan
kong gawin? O sawi na ba ang aking pag-ibig? (Haharap
kay Serial Rapist). Tara na. Mag-inuman na lang
tayo.
Tatayo ang dalawa, magkaholding
hands, akmang aalis.
NIGANG: Sandali, mayroong paraan papasok
sa aking pu-puso!
SERIAL RAPIST: Shit!
BOY RAPIST: Ano iyon?
NIGANG: Tiyaga, at tsokolate.
BOY RAPIST: 'Tiyaga'? Ano iyon, brand
ng damit? Saan mabibili? O brand ba iyon ng condom?
Kay laya mo talagang babae!
NIGANG: Tiyaga at tsokolate. Sampung
taon lang, Boy Rapist. Sampung taon lang nang pag-aalay
sa akin ng tsokolate. Gabi-gabing dalaw.
SERIAL RAPIST: Kabaliwan!
BOY RAPIST: Payag ako. Tiyaga at tsokolate!
Sampung taon, kakayanin ko para sa iyo Nigang. Ang
iyong ganda, ang iyong sungit. Ang iyong nakakaakit
at maasim na bilbil! Paalam, hanggang sa susunod
na gabi. (Hihilahin si Serial Rapist palabas ng
carinderia.)
Babalik si Boy Rapist
at Serial Rapist kung saan nakaupo ang mga nanonood.
Uupo sila.
NIGANG: Sampung taon! Siguro ay patay
na si tanda sa panahong iyon. Maaari na akong tumakas
dito. Sa kamatayan ni Ama, lalaya na akong talaga.
(Sisimulan n'yang kumain ng tsokolate. Mauubos
n'ya ang laman ng kahon at itatapon n'ya ito sa mga
nanonood.)
Pagkatapos kumain, maglalabas
ng kumot at banig si Nigang mula sa likod ng mesa.
Matutulog s'ya sa sahig.
Babalik
si Jesus sa carinderia. Uupo ito sa mesa. Kakalampagin
n'ya ang mga kaldero. Gigising si Nigang.
NIGANG: Bakit ang ingay? Nakatulog
pala ako. Kay ganda ng aking panaginip, binigyan
ako ng maraming tsokolate ni Boy Rapist. (Magtatanggal
ng kumot. Hihimasin ang tyan.) Ang taba
ko talaga! Naku, pero 'di bale. Mahal naman ako
ni Boy Rapist. (Kakanta.) Alam kong 'di mo
alam, narito lang ako. (Tatayo s'ya't sasayaw
paikot.) Naghihintay-(Makikita n'ya si Jesus.)
JESUS (Bababa mula sa mesa at maglalakad-lakad
sa paligid ng carinderia. Papalakpakan n'ya ang pagkanta
ni Nigang.): Ang galing mo palang kumanta Nigang,
bakit nung buhay pa ako ay hindi mo ako kinantahan?
NIGANG: Jesus, ang tanging lalaking
aking inibig?
JESUS: Ako nga si Jesus, pero hindi
ko sigurado na ako lamang ang tanging lalaking iyong
inibig. Sino ba 'yang Boy Rapist na 'yan? At bakit
ka napapakanta dahil sa kanya? Kung dahil sa pera'y
matatanggap ko Nigang. Pero kung inibig mo s'ya-
NIGANG: Kahit kailan ay ikaw lang ang
inibig ko! Pagkatapos mong mamatay isinumpa kong
'di na 'ko iibig pang muli. Na lahat ng lalaking
kakasamahin ko, kailangan magbayad ng malaking halaga.
JESUS: At kapalit ay ang iyong puri?
NIGANG: Ang kapalit ay ang aking company!
Kayong mga lalake puro sex lang ang nasa isip. Tama
lang pala na hindi kita pinakasalan. Expected mo
siguro pag kasal na tayo makikipagsex ako sa 'yo!
(Tatalikod.) Nakakainis ka, ininsulto mo ako
sa pagkikita nating muli pagkatapos ng matagal na
panahon. Balak pa naman sana kitang halikan, pero
ngayon, hindi na!
JESUS (Tatayo, lalapit ka Nigang.):
At bakit, bakit? Ano ang aking nagawa para mawala
ang iyong pag-ibig sa akin? Walang halik? Impyerno
'yon! (Mahabang patlang.) Pero sex pwede
pa rin?
NIGANG (Lalayo.): Syempre pati
sex wala na. (Yuyuko.) Ngayon, uusigin kita
nang lubusan. Hindi ko inakala Jesus, nagtiwala ako
sa 'yo. 'Yun pala'y-
JESUS (Hahawakan ang kamay ni Nigang.):
'Yun pala'y ano?
NIGANG (Hahampasin ang kamay ni
Jesus, maghuhulagpos hanggang bumitaw ang lalake.):
'Yun pala'y nagtaksil ka sa akin!
JESUS: Sino? Sino'ng hayup ang nagsabi
sa 'yo n'yan? Ang mga kainuman ko, 'yung mga karpintero't
mangingisda? Sinasabi ko na nga ba't hindi mapagkakatiwalaan
ang mga 'yon. Mga tsismoso. Hindi na 'ko makikipag-inuman
sa kanilang uli. (Lalakad-lakad.) O baka
naman ang Ama mo ang nagsumbong sa akin. Ang matandang
manyak na 'yon, hindi makapagtago ng sikreto. May
gusto rin kasi 'yon sa 'yo, kaya n'ya ako siniraan.
NIGANG: Manahimik ka Jesus, wag mo
nang isisi sa mga kainuman mo ang iyong mga kasalanan.
At hindi ka man lang kilala ng aking Ama. Iba ang
nagsabi sa akin.
JESUS: E sino nga? Kainis ka naman
excited na 'kong malaman. Sino nga kasi? Wala namang
ibang nakakaalam na nakiapid ako kay Pag-ibig.
NIGANG: Meron, si Pagmamahal, ang kasintahan
ni Pag-ibig.
JESUS: Ang totoy na 'yon? (Lalakad-lakad.)
Ilang taon nga pala ang tanda sa kanya ni Pagmamahal?
Tatlo? Lima?
NIGANG: Sampu.
Tatawa silang dalawa.
Pagkatapos ng ilang sandali titigil si Nigang, mapapansin
ito Jesus na titigil na rin sa pagtawa, pero maiiwan
ang ngiti sa kanyang mukha.
NIGANG: Wag mong akalaing makakalimutan
ko ang iyong kasalanan. Taksil.
JESUS: Nagsalita ang walang ibang inibig.
Ang iba, kinantahan, akong itong nagpakamatay para
sa kanya, kahit isang linya ayaw pagbigyan. (Lalayo
si Nigang.) O, saan ka pupunta?
NIGANG: Anywhere but here! Kung saan
walang lalakeng mananakit sa akin. (Hahawakan
ni Nigang ang kanyang puson.)
JESUS (Lalapit, pero itataboy s'ya
ni Nigang): O, ok ka lang? First day mo ba't
may gonorrhea ka? Bakit ba kasi ang sungit mo? Totoo,
totoo marahil lahat ng sinabi sa 'yo ni Pagmamahal.
Nakiapid nga ako kay Pag-ibig, tatlong beses bago
sila magpakasal. Pero 'yun lang naman ang pagtataksil
ko. Sex lang talaga ang interes ko sa kanya, 'di
ko s'ya minahal. 'Di tulad mo-
NIGANG: Wag mo na akong gaguhin. Sex
lang talaga ang habol ng lalaki sa babae. At kung
gayon ay wala naman talagang pagmamahal. At kung
gayon, hindi mo rin ako mahal. Kasi nga wala namang
pagmamahal. At kung gayon, lamang si Pag-ibig
sa akin. Kasi s'ya, tatlong beses mo nang naikama.
Samantalang ako, isang beses lang, wala pang orgasm.
(Hihikbi.)
JESUS (Nakayuko.): Hindi ko
na alam ang gagawin ko. Alam kong nasaktan kita.
Alam kong walang kabayaran 'yon. Na hindi ko kailanman
mababawi ang nakaraan. Pero Nigang, ikaw, may magagawa
ka. Pwede mo akong patawarin. Pwede pa rin tayong
magsama.
NIGANG: Para ka rin namang si Pagmamahal.
Pare-pareho kayong mga lalaki, titi ang gamit sa pag-iisip.
Alam mo bang iniwan na ni Pag-ibig si Pagmamahal?
JESUS: Es verdad? Wow, antindi naman
ng animal magnetism ko.
NIGANG: Hindi para sa 'yo, mayabang.
Iniwan ni Pag-ibig si Pagmamahal dahil insensitive
si Pagmamahal. Laging nang-iinsulto, walang galang
sa babae. At kung magbigay ng bulaklak, padabog akala
mo utang na loob pa ni Pagmamahal. At isa pa, ginahasa
ni Pagmamahal ang dalawang babaeng kakilala ni Pag-ibig.
Isa ay si Pagsinta, ang bestfriend ni Pag-ibig. Ang
isa nama'y si Pag-irog, kapatid ni Pagsinta. Ang
tingin ni Pagmamahal sa mga babae ay pag-aaring maaaring
paglaruan. At kapag nasira ay pwedeng iwan sa isang
tabi. At ganun ka rin Jesus, ganun kayong lahat na
lalaki.
JESUS: Sa totoo, sa akin, ang mga babae
ay parang libro. (Mula sa pantalon ay kukuha ng
Bibliya, itatapat sa mukha n'ya.) Masarap amuyin.
(Kakalikutin ang mga pahina.) Masarap dutdutin.
At pag tapos ka na sa kanya, pwede mong ulit-ulitin.
At kapag sawa ka na, pwede mong iwan sa kung saan,
'di s'ya magrereklamo. (Itatapon ang Bibliya sa
kung saan nakaupo ang mga nanonood.) Pero ikaw,
Nigang, matalino kang babae. Hindi tulad ng iba d'yan,
maganda lang pero aanga-anga. Patawarin mo na ako.
NIGANG: Kung may utak ako'y hindi sana
ako naniwala sa mga kasinungalingan mo.
JESUS: Wag kang mag-isip ng ano pa
man. Di mo kasalanan na naloko kita. Lahat naman
ngayon, mula sine hanggang telebisyon, mula nobela
hanggang dula, pawang panloloko lamang.
NIGANG (Hahawakan ang puson. Gigiray.
Lalapit kay Jesus, yayakapin ito. Hihikbi.):
Bakit mo ako sinaktan? Bakit ka hindi naging totoo
sa akin? Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan
ko.
JESUS: Nigang, nakakalito ang mundo.
(Hahaplusin ang balikat ni Nigang.) Kung sinong
mahal mo, s'yang ayaw sa 'yo. Ako man di alam kung
bakit ko ginawa ang ginawa ko. Kung ang pag-iibigan
sa tunay na buhay ay puno na pagsisinungaling, ano
pa kaya sa kathang isip? Nigang, mahal-(Hindi
matutuloy ang sasabihin.)
NIGANG (Maghuhulagpos. Lalayo kay
Jesus.): Magtigil ka nga! Hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo!
JESUS: Nigang, read between the lines.
Iba ang aking sinabi sa aking ibig sabihin. Hindi
pwera dumaldal ako tungkol sa langit ay Diyos na ako.
Hindi pwera maglitanya ang isang lalake laban sa kalalakihan
ay feminista na s'ya. Read between my lines!
NIGANG: Totoong damdamin ang aking
nararamdaman. Totoong tao ako. Jesus, totoong buhay
'to. Magseryoso ka, hindi ito sine, hindi palabas
sa telebisyon. Hindi nobela at mas lalong hindi dula!
Tatayo sina Manong Carinderia,
Boy Rapist, Serial Rapist, Pag-ibig, Sex at Ilusyon.
LAHAT MALIBAN KAY NIGANG (Pasigaw.):
Nigang, dula ito!
Tititigan ni Nigang
ang mga tumayo, pagkatapos ay mapapaluhod s'ya sa
biglang naramdaman. Walang tinig n'yang ibubulong
ang mga katagang, "Dula lang ito? Dula lang ito?"
Uupo
sina Manong Carinderia, Boy Rapist, Serial Rapist,
Pag-ibig, Sex at Ilusyon.
JESUS: Nigang, 'di ka naman ordinaryong
babae, alam mo ang mga karapatan mo. May respeto
ka sa iyong sarili. 'Di ka tulad ng iba d'yan na
facial wash lang ang alam sa buhay. Na minamanyak
na ng "kaibigan" e wala pa ring imik. Kaya nga kita
mahal Nigang. May utak ka kasi. (Itatayo n'ya
si Nigang.)
NIGANG: Ang ibig mong sabihin ay hindi
ako maganda? At para malaman mo, gumagamit din naman
ako ng facial wash. At hindi lang 'yon, pati ng vagiwash.
(Matitigilan.) At- at-Jesus?
JESUS: Yes mahal?
NIGANG: 'Di ba patay ka na?
Tatango si Jesus. Lalapit
si Jesus kay Nigang. Tatakbo si Nigang paalis ng
carinderia. Susunod si Jesus. Maghahabulan
sila kung saan nakaupo ang mga nanonood. Pagkatapos
ng ilang sandali'y uupo si Jesus. Babalik naman si
Nigang sa carinderia at muling hihiga sa banig.
Papasok
sina Pag-ibig, Ilusyon at Sex sa carinderia, uupo
sila. Maglalabas ng diyaryo si Pag-ibig, babasahin
n'ya ito.
SEX: Sigurado ka bang darating 'yon?
ILUSYON: Sigurado ako. S'ya mismo
ang nakausap ko. Nangako s'ya.
PAG-IBIG (Itatapon ang diyaryong
hawak.): Hindi darating 'yon. Lagi naman s'yang
nangangako.
ILUSYON: Bakit ka ba ganyan? Siguro,
ayaw mo s'yang dumating dahil takot ka sa kanya.
PAG-IBIG: At ano naman ang aking ikakatakot?
Hindi lang ako tulad mong parang asong-
ILUSYON (Tatayo.): Asong ano?
Tatayo rin si Pag-ibig.
SEX (Papagitan sa dalawa.):
Tama na 'yan. 'Di dapat tayo ang naglalaban-laban.
Uupo silang tatlo.
PAG-IBIG: Patawad, masyado lang talagang
mabilis ang bunganga ko.
ILUSYON: Ako ang dapat humingi ng paumanhin.
Akala ko kung sino 'kong siga, pasapak agad.
SEX: Kalimutan na natin 'yan. (Haharap
kay Ilusyon.) Ano na ba'ng impormasyon mo sa
kanya?
ILUSYON: Huli s'yang namataan sa isla
ng Panay, sa Roxas, Capiz. Bumibisita sa kanyang
Ama.
PAG-IBIG: Oo nga pala, kamusta na'ng
Ama mo?
ILUSYON (Iiling-iling.): Iyon,
bangkay pa rin.
SEX: Hindi gumana ang ating salamangka?
Patay pa rin s'ya?
ILUSYON (Iiling-iling.): Ang
sabi ko'y bangkay pa rin. Pero buhay na s'yang muli.
PAG-IBIG: Gumana ang ating salamangka.
Nakakatayo, nakakakain, nakikipagtalik na s'ya!
ILUSYON: Kaso'y patuloy sa pagkaagnas
ang kanyang katawan. Ito nga't dala ko ang kanyang-
May huhugutin si Ilusyon
sa bulsa. Tatayo at mapapalayo sina Pag-ibig at Sex.
PAG-IBIG AT SEX: Ano 'yan?
ILUSYON: Ito ang isang daliri ng aking
Ama. Dinala ko para ating masolusyonan ang problema.
SEX: Mukhang kalahati lang ang salamangkang
gumana. Hayaan mo at mamaya aayusin natin 'yan.
(Kukunin ang daliri ng Ama ni Ilusyon at ibubulsa
ito. Haharap si Sex kay Pag-ibig.) Nag-uusap
na lang tayo ukol sa daliri, matanong ko, naaresto
ka raw dahil sa pampifinger ng disisyeteng babae?
PAG-IBIG (Mapapatayo.): Anong
uring tsimis! (Patlang. Uupo.) Isang
babae lang, at disiotso na s'ya.
ILUSYON: Ngayong taon. Nung nakaraang
taon, nung fininger mo s'ya, disisyete pa lang s'ya.
PAG-IBIG: Hindi totoo 'yon. Hinawakan
ko lang ang kanyang kamay, nang may pahintulot.
SEX: Kung gayon ay bakit ganun ang
balita? Isa sa bawat dalawang text na natatanggap
ko, ikaw ang paksa. Namfinger, naaresto, nakulong,
tumakas, binaril, namatay, naluklok sa lugar ng mga
patay, nabuhay muli pagkaraan ng tatlong araw, umakyat
patungong langit, naluklok sa kanan ng Ama, magbabalik
sa wakas ng panahon.
SEX AT ILUSYON (Tatayo at kakanta.):
Amen!
PAG-IBIG: Ang totoo'y ayaw ko na sa
babaeng 'yon. Pero gusto pa rin n'ya sa akin, kaya
s'ya gumagawa ng kontrobersya. Mga kaibigan, maniwala
kayo. 'Di ako manyak, 'di ako excon. Wala akong
kasalanan.
ILUSYON (Aakbayan si Pag-ibig.):
At kahit naman manyak, excon at makasalanan ka, mahal
ka pa rin namin. Mahal ka pa rin n'ya. (Ituturo
ang langit.)
PAG-IBIG (Tatanggalin ang akbay
ni Ilusyon.): S'ya na naman. Lagi na lang s'ya.
'Di ko kailangan ang kanyang pagmamahal. Parati na
lang natin s'yang hinihintay. 'Di s'ya dumarating.
Nung nasa kulungan ako, tawag ako nang tawag sa kanya.
Pero 'di n'ya ko pinuntahan.
SEX AT ILUSYON (Mapapatayo.):
Akala ko ba'y 'di ka nakulong?
PAG-IBIG (Tatayo, arms akimbo.):
Sabi ko'y 'di ako excon. Pero nakulong ako.
SEX: At bakit naman?
PAG-IBIG (Hindi sasagot. Iibahin
ang usapan.): Kamusta naman pala ang inaanak ko.
At si Kumare? Balita ko'y tinorotot ka n'ya? (Uupo.)
Uupo sina Sex at Ilusyon.
SEX (Matagal bago sasagot.):
Patay na ang iyong inaanak
Tatawa nang malakas
si Ilusyon, akala'y nagbibiro si Sex. Titingnan s'ya
nang masama ng dalawa.
SEX: Naluto ang kawawang sanggol nang
masunog ang bahay namin.
PAG-IBIG: Ikinalulungkot kong malaman.
At ang pagtataksil ni Kumare?
SEX: Totoo-tinorotot n'ya ako. Kaya
ko nga sinunog ang aming bahay. Patay na rin ang
Kumare mo. Natagpuan ang kanyang bangkay, nakayakap
sa sunog na kalaguyo.
ILUSYON (Tatayo.): At sino namang
ulol ang pumatos sa iyong asawa?
SEX: Nakakahiya mang aminin-ang kanyang
kapatid.
ILUSYON (Iikot-ikot sa carinderia.):
Mga walang-hiya, mga hayop. (Hihinahon.)
Sabagay, sobrang laki kasi ng dodo ng iyong asawa.
Kung s'ya man ang aking kapatid, baka patulan ko rin
s'ya. (Ipapatong ang kamay sa balikat ni Sex.)
Wag mo na s'yang isipin pa.
PAG-IBIG (Kay Ilusyon.): Oo
nga pala, kamusta na ang iyong kapatid? Maliit man
ang kanyang dibdib, alam mo naman ang nararamdaman
ko para sa kanya.
ILUSYON: Mahal ka ng aking kapatid.
Sabi n'ya'y kamukha mo raw si Paraluman. Pero hindi
ko mapapahintulutang magkatuluyan kayo.
PAG-IBIG AT SEX: At bakit hindi?
ILUSYON: Ayaw kong mag-asawa ang aking
ate ng isang excon.
PAG-IBIG (Tatayo.): Sinabi nang
hindi ako excon! At bakit hindi ang ate mo ang magdesisyon
tungkol sa aming pag-iibigan at pagpapakasal. Baka
nakakalimot ka. Ako yata ang-
ILUSYON (Tatayo.): Alam ko kung
sino ka. Sa tatlumpong taong magkakilala tayo 'yan
parati ang bukang-bibig mo. Ikaw ang katangitangi,
ang pinagpala sa lahat. Kaisa-isa sa mundo, paborito
ni- paborito ni-
PAG-IBIG: Isa kang baliw. Ni hindi
mo masabi ang kanyang pangalan. At hindi naman ako
ang pinagpala sa ating tatlo. Hindi ako ang namumukudtangi.
Ito, itong kumag na kapatid ko. (Ituturo si Sex.)
Ito ang paborito ni M-
SEX (Tatayo.): Tumahimik kayong
dalawa. Alam n'yong 'di dapat banggitin ang banal
n'yang pangalan.
PAG-IBIG: At bakit hindi? Sino bang
Diyos ang nagtakda ng batas na iyan? Sino bang amo
ang nagbawal sa pagbigkas ng isang pangalan? (Pupunta
sa gitna ng carinderia.) Ano ba ang mangyayari
kung sakali mang isigaw ko sa buong mundo ang pangalan
ng hinihintay natin? Si M-
Tatakpan ni Ilusyon
ng panyo ang bibig ni Pag-ibig. Bubugbugin ni Sex
at Ilusyon si Pag-ibig. Bagsak 'to sa sahig, tulog.
ILUSYON: Patay na s'ya. Hala! Paano
natin mabubuhay ang aking bangkay na Ama?
SEX: Hayaan mo. Buhay pa naman 'yan.
Mamaya, isagawa natin ang ritwal. Naiinis lang ako
sa kanya at wala s'yang paggalang. Sinadya n'yang
manggalit. Palibhasa'y excon. Pero ngayon alipin
ko na s'ya, ako na ang masusunod lagi.
Maririnig ang tunog
ng Selecta ice cream man. Sasayaw ang dalawa, paikot-ikot
sa plakdang katawan ni Pag-ibig.
SEX: Ayan na s'ya, ayan na s'ya. (Sisipain
si Pag-ibig.)
ILUSYON: Buti nga sa'yo, tulog ka ngayon.
(Sisipain si Pag-ibig.)
SEX: Wala kang ice cream.
ILUSYON: Wala kang Magnolia.
Itatali nila ang isang
chain sa mga braso ni Pag-ibig. Aalis sila sa carinderia,
pupunta kung saan nakaupo ang mga nanonood. Uupo.
Papasok sina Serial Rapist at Boy Rapist sa carinderia.
SERIAL RAPIST (Titingin sa loob
ng kaldero.): Alam mo, napansin ko lang, wala
naming ibang bumibili sa carinderiang 'to. Ngayon,
wala pang nagbebenta. Pa'no tayo kakain?
BOY RAPIST: Kumain na lang tayo nang
walang bayad. Magparty tayo!
SERIAL RAPIST: Party? Tamang-tama!
May dala akong radyo. (Maglalabas ng radyo at
magsisimulang sumayaw.)
Magsasayaw sila. Pagkatapos
ng ilang sandali'y mapapagod si Boy Rapist at uupo
s'ya.
SERIAL RAPIST (Tuloy pa rin ang
sayaw sa harap ni Boy Rapist. Erotic ang sayaw.):
Ay, kay ganda ng buhay. Masdan mo, ang ganda ng paligid!
(Tatalikod kay Boy Rapist at may kung anong ituturo
sa may kung saan nakaupo ang mga nanonood.)
BOY RAPIST (Titingin sa paligid,
makikita n'ya si Pag-ibig. Titigan n'ya ito.):
Tama ka, ang ganda-ganda ng paligid. (Lalapit
kay Pag-ibig.)
SERIAL RAPIST (Nakatalikod pa rin.):
Mabuti naman at nagugustuhan mo ang pinapakita ko.
(Patlang.) Boy Rapist, may aaminin sana ako
sa 'yo. May sikreto akong 'di ko na kayang itago,
buong buhay ko 'tong sinasarili. Ayaw kong mapunta
ka kay Nigang. 'Di kayo bagay. Boy Rapist (Haharap
sa dating kinakatayuan ni Boy Rapist), mahal-
BOY RAPIST (Sa sarili.): Mahal
ko ang babaeng ito. (Lalapit kay Pag-ibig.)
Isang magandang gabi sa isang magandang binibini,
maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?
PAG-IBIG: Ako si Pag-ibig. (Ipapakita
n'ya ang kanyang mga kamay, na nakagapos din, nakatanikala.)
Alipin ni Sex.
SERIAL RAPIST (Tatakbo papunta kay
Boy Rapist, hihilahin n'ya 'to.): Boy Rapist,
lumayo ka sa kanya, 'yan si Pag-ibig. (Ituturo
n'ya ang pagkakagapos ni Pag-ibig.) Alipin ni
Sex!
Papasok si Sex sa carinderia.
SEX: Pag-ibig (Itataas n'ya ang
mga kamay ni Pag-ibig, hahalikan ang tanikalang panggapos.),
alipin ko.
PAG-IBIG: Ano po iyon, amo?
SEX: Halika't halikan mo ang aking
mga kamay.
Susunod si Pag-ibig
sa utos ni Sex. Tatawa nang malakas si Sex.
SERIAL RAPIST: Boy Rapist, maaari ba
kitang yayaing sumayaw?
BOY RAPIST: Sex, maaari ko bang yayain
si Pag-ibig na sumayaw?
SEX: Nagbibiro ka ba? Sa akin lamang
si Pag-ibig, kaya nga alipin ko s'ya. (Sasapakin
si Pag-ibig. Tatawa nang malakas.)
BOY RAPIST (Haharang sa pagitan
nina Sex at Pag-ibig): Salbahe! Manyak! Sexist!
Titi mo ang iyong gamit sa pag-iisip! (Sasapakin
si Sex.)
Babagsak si Sex. Papasok
sa carinderia si Ilusyon.
SEX: Ilusyon, tauhan ko. Patayin mo
si Boy Rapist.
ILUSYON: Opo. (Lalapit kay Boy
Rapist.) Papatayin kita, sinaktan mo si Sex, ang
amo ko.
Sapakan sila, talo si
Boy Rapist.
SERIAL RAPIST (Hihilahin si Boy
Rapist.): Halika na, papatayin tayo n'yan.
Ayaw sana ni Boy Rapist
na tumakbo, tititig s'ya kay Pag-ibig, pero lalakasan
ni Serial Rapist ang hila at tatakbo silang dalawa
patungo sa kung saan nakaupo ang mga nanonood.
ILUSYON: Bumalik kayo rito, mga jologs,
tanggapin n'yo't lasapin ang galit ni Ilusyon! Hindi
kailanman n'yo masasaktan si Sex! Si Sex ang hari
ng sangkatauhan! Alipin lamang n'ya si Pag-ibig!
(Tatawa nang malakas.)
Tatayo si Sex, nasa
may paanan n'ya si Pag-ibig.
SEX (Sasapakin si Pag-ibig.):
Totoo, totoo. Alipin ko Pag-ibig. Halika Ilusyon,
pinagsawaan ko na si Pag-ibig kagabi, ikaw naman ngayon
ang hahalik sa aking-
Aalis ang dalawa sa
carinderia. Pupunta kung saan nakaupo ang mga nanonood.
Uupo. Maiiwan si Pag-ibig, nakatanikala pa rin.
BOY RAPIST (Maglalabas ng baril.
Aastang babaril. Ibabalik ang baril sa bulsa.):
Kailangang iligtas ko si Pag-ibig.
SERIAL RAPIST: Bakit? Hindi ba't masaya
na s'ya sa pagiging alipin ni Sex?
BOY RAPIST: Serial Rapist? Kailanman
ay hindi ko naisip na sasabihin mo ang mga salitang
iyan. Ikaw na nagturo sa akin na walang masayang
alipin. Ikaw na nagsabing ang salitang "alipin" ay
kabaligtaran at salungat sa salitang "nag-iisip".
SERIAL RAPIST: Tama ka. Ako nga ang
nagsabi n'yan, ako nga ang nagturo sa iyo ukol sa
kamalayan, kalayaan at pag-iisip.
BOY RAPIST (Aakbay kay Serial Rapist.):
Ikaw ang nagturo sa akin na dapat wasakin ang mga
ilusyon na nagpapaliit sa mga tao. Sabi mo sa akin,
ang mga Kristyano, ang mga battered wives, ang mga
laging nasa bar, ang mga taong sarap lang ang gusto
sa buhay, lahat sila'y nag-iilusyon lamang. Sila'y
mga alipin at hindi masaya, sila'y dapat palayain.
SERIAL RAPIST: Iniibig mo ba si Pag-ibig?
BOY RAPIST (Matagal bago sumagot.):
Oo.
SERIAL RAPIST (Aalisin ang brasong
nakaakbay sa kanya.): Hindi ba totoo na ang pag-ibig
ay isa lang ding ilusyon? Kung kaya't ang pag-ibig
mo kay Pag-ibig ay isa ring kahangalan, at kung gayon
kahit mapalaya mo s'ya mula sa mga kamay ni Sex, ikaw
naman ang magiging amo n'ya? Isipin mo, ang "syota"
sa Bikol ay "kailusyon." Hindi mo ba naiisip kung
bakit?
BOY RAPIST (Yuyuko.): Tama
ka. Pero anong magagawa ko? Sobrang sexy talaga
ni Pag-ibig. At isa pa, sa aming matagal na pag-uusap
pakiramdam ko'y kilalang kilala ko na s'ya.
SERIAL RAPIST: Anong matagal na pag-uusap?
Tig-isang pangungusap lang ang dialogue n'yo!
BOY RAPIST: Kahit na. Nakilala ko
talaga s'ya. Alipin nga s'ya, pero alam kong gusto
n'yang lumaya. At saka Serial Rapist, 'di mo s'ya
natitigan?
SERIAL RAPIST: Mukha ba akong bato
sa 'yo, Boy Rapist? Babae s'ya, syempre tumitig ako
sa kanya.
BOY RAPIST: O alam mo naman palang
babae s'ya e? At kilala mo naman ako, pag babae,
iniibig ko agad. At marahil narinig mo rin ang kanyang
accent, sa aling probinsya kaya s'ya galing?
SERIAL RAPIST: Ewan, leche. Aklanon
siguro ang hindot. (Patlang.) Alam kong hindi
kita mapipigilan sa kahangalang ito. Kung susugurin
mo ngayon si Sex, sasama ako sa iyo. Hindi ka man
nakikinig sa aking mga pagtuturo, ako nama'y narinig
ang sinasabi ng iyong puso.
BOY RAPIST: Wag ka ngang baduy, Serial
Rapist. Sex lang din ang habol ko kay Pag-ibig.
SERIAL RAPIST: Tama. Tama. Ano pa
ba ang habol ng isang tao sa kanyang kapwa kundi sex?
Tama. Pero kahit ganun pa man, tutulungan pa rin
kita. Sa tingin mo ba'y perpekto s'ya?
BOY RAPIST: Perpekto. Pakiramdam ko'y
buong buhay ko'y s'ya ang aking hinahanap.
SERIAL RAPIST: Boy Rapist, sa buwan
lang na 'to s'ya na ang pangatlong perpektong babaeng-
BOY RAPIST (Hindi na ipapatapos
kay Serial Rapist ang sinasabi nito.): Lahat ng
babaeng aking minanamahal ay perpekto. (Patlang.)
Umalis na tayo.
Maglalakad sila pabalik
sa carinderia. Nakatanikala pa rin doon si Pag-ibig.
BOY RAPIST: Ayon s'ya, halika Serial
Rapist.
Tatakbo ang dalawa,
pero papasok si Ilusyon sa carinderia at haharang.
SERIAL RAPIST: Sige tumakbo ka na't
iligtas mo si Pag-ibig. Ako na ang bahala rito.
Tatakbo si Boy Rapist
patungo kay Pag-ibig. Susugurin ni Serial Rapist
si Ilusyon.
ILUSYON: Serial Rapist, matagal ko
nang inaabangan ang pagkakataong ito. Luluhod ka
na rin sa harap ko.
SERIAL RAPIST: Kahit kailan ay hindi
mo mapapaluhod si Serial Rapist sa harap mo Ilusyon.
Kahit ilang langit pa ang ialok mo sa akin, hindi
ako magpapaloko tulad ng mga Kristyano. Kahit ginto
pa ang iyong titi, hindi ako magpapaliit tulad ng
mga battered wives. Kahit ilang cellphone pa ang
ialay mo sa aking mga paa, tatapakan ko lang ang mga
iyan. Hindi ako tulad ng mga ibang college students
sa Pilipinas ngayon, na meron ngang load, wala namang
utak. Na fully charged nga ang baterya ng cellphone,
pero low batt naman ang pag-iisip.
ILUSYON: Ano ba 'yang pinagsasabi mo?
Inaalok lang naman kita ng oral sex.
Mabibigla si Serial
Rapist. Nganganga s'ya. Yayakapin s'ya ni Ilusyon.
Aalis ang dalawa sa carinderia, magkahawak kamay.
Pupunta sila kung saan nakaupo ang mga nanonood.
Uupo sila at mag-aact-out na parang nag-ooral sex.
BOY RAPIST: Pag-ibig, narito na ako.
Papalayain na kita.
PAG-IBIG: Una, sino'ng may sabi sa'yo
na kailangan kong lumaya? At pangalawa, kung gusto
ko mang matanggal ang pagkakagapos kong ito, sa tingin
mo ba'y kailangan ko pa ng isang lalake para
gawin iyon?
BOY RAPIST (Haharap sa mga nanonood.):
Titi ng ama, feminista pa yata ang hayop. (Haharap
kay Pag-ibig.) Ayaw mo bang maging malaya?
PAG-IBIG: Kung hahayaan kong tulungan
mo ako, at tatakas tayong magkasama, ano ang mangyayari
pagkatapos?
BOY RAPIST: Syempre makikipagsex ka
sa akin bilang pasasalamat.
PAG-IBIG: E ano ang pinagkaiba mo kay
Sex? Sex din pala ang habol mo sa akin.
BOY RAPIST: Pag-ibig, lahat ng tao
ay sex lang ang habol sa isa't isa. Kung pagkakaibigan
lang ang habol ko sa'yo, bakit pa kita nililigawan?
Talagang sex ang habol ko sa'yo. Pero meron akong
malaking kaibahan kay Sex. Inaamin kong sex lang
ang habol ko sa'yo. Hindi na kita lolokohin, hindi
ako magsisinungaling. Ang mga lalaking tulad ni Sex,
magkukunwaring makikpagkaibigan. Tapos, sex lang
pala ang tunay na habol. Ako, sa simula palang sasabihin
ko na sa 'yong sex lang ang habol ko. Pero malaki
ang tsansa na magiging magkaibigan tayo. Naiintindihan
mo? Sila: Kunwari Pakikipagkaibigan Pero Sex Ang
Habol. Ako: Sex Talaga, Pero Maaaring Maging Kaibigan.
PAG-IBIG: Totoo 'yang sinasabi mo,
pero hindi pa rin ako sasama sa 'yo.
BOY RAPIST: Bakit? Ang alok ko sa
iyo ay katotohanan!
PAG-IBIG: Una, ang tagal na naming
magkakilala ni Sex. Pangalawa, hindi s'ya sobra sa
pagiging makatotohanan. Alam n'yang minsan, kailangan
ng ilusyon sa buhay. At pangatlo, malaki ang titi
n'ya.
BOY RAPIST (Aabutin ang zipper.):
Titi ng ama, malaki rin naman ang aking-
Biglang papasok sa carinderia
si Sex
SEX: Wag ka nang magpacute pa Boy Rapist,
alam naman namin ni Pag-ibig na maliit ang titi mo.
BOY RAPIST (Maglalabas ng baril.):
Papatayin kita!
SEX: Wag maawa ka sa akin, sige kunin
mo na s'ya. Hindi ko naman talaga s'ya tunay na mahal,
sex lang ang habol ko sa kanya.
BOY RAPIST: Narinig mo 'yon? Ngayon,
sumama ka na sa akin.
PAG-IBIG: Ayoko pa rin. 'Di man ako
mahal ni Sex, ako mahal ko s'ya.
BOY RAPIST: Kung gayon magpaalam ka
na sa kanya. (Itututok ni Boy Rapist ang baril
n'ya kay Sex.)
SEX: Wag, maaawa ka!
Babarilin ni Boy Rapist
si Pag-ibig. Mamamatay ito.
SEX: Anong? (Patlang.) Bakit
mo ginawa 'yon?
Babarilin ni Boy Rapist
si Sex.
SEX: Bakit mo ginawa 'to? (Mamamatay
ito.)
BOY RAPIST: Hindi ko matitiis na mabuhay
sa mundong ito ang mga taong mas gugustuhin pa ang
ilusyon kaysa sa katotohanan. (Pasigaw sa nanonood.)
Hangal na mga tao, ilusyon lang ang pag-ibig, sex
lang ang tunay na atin. (Babaling sa katawan ni
Pag-ibig.) Ikaw, sino ang mas pipiliin n'yo?
Taong magpapanggap na kaibigan pero sex ang habol,
o taong aamining sex ang kanyang habol, pero maaari
rin namang maging kaibigan? Meron ba silang pinagkaiba?
Uupo si Boy Rapist.
Babalik si Serial Rapist sa carinderia. Magyayakapan
sila. Uupo sa tabi ni Boy Rapist si Serial Rapist.
Tatayo sina Boy Rapist at kakalampagin ang mga kaldero.
Walang
papansin sa dalawang bangkay.
NIGANG (Gigising. Tatayo.):
Magandang umaga Boy Rapist! Hindi ka maniniwala sa
ikukwento ko sa 'yo. Napanaginipan kita, pinatay
mo raw si Pag-ibig at Sex! Napanaginipan ko rin si
Jesus, at- at- (Patlang. Matagal.) Boy Rapist,
ubos na ang binigay mong tsokolate. Pahingi pa!
BOY RAPIST: Nigang, hindi ako makakapaghintay
ng sampung taon! Pakasal na tayo!
NIGANG: Lumayas ka! Lumayas kayong
pareho!
BOY RAPIST: Ano pa ba'ng ang gusto
mo sa akin? Huwag kang mag-alala. Kahit kasal na
tayo, tuloy pa rin ang tsokolate. Tuloy pa rin ang
tamis. At pati ako makakatikim!
NIGANG: Hindi ko na kailangan ang tsokolate
mo. Tingnan mo nga ako. Ang taba-taba ko!
BOY RAPIST: Ikaw ang may dala niyan
sa iyong sarili!
NIGANG: Ikaw- (Patlang.) Ako
nga ano?
Papasok si Manong Carinderia
sa carinderia.
NIGANG: Ama, palayasin mo sila!
MANONG CARINDERIA (Kukunin at ipananakot
ang sandok.): Layas!
Tatakbo sina Boy Rapist
at Serial Rapist paalis ng carinderia. Pupunta sila
kung saan nakaupo ang mga nanonood. Uupo sila.
NIGANG: Salamat, Tanda.
MANONG CARINDERIA: O sige, anak. Kumain
na tayo.
"Ina ni Nigang"
ang kakainin nilang pareho mula sa iisang plato.
MANONG CARINDERIA (Hihiga sa banig
na nilatag kanina ni Nigang.): Matutulog na ako.
NIGANG: Ito na ang aking pagkakataong
tumakas. Hindi nahintay ni Boy Rapist ang sampung
taon. Ako ma'y hindi na kayang hintaying mamatay
si Ama. (Mula sa likod ng mesa ay kukuha s'ya
ng mga damit at maleta. Mag-iimpake s'ya, bubuhatin
ang bag.) Ngayon na ang araw ng pagtakas.
Papasok si Boy Rapist
at Serial Rapist sa carinderia.
BOY RAPIST: Nigang!
SERIAL RAPIST: Bakit ba tayo bumalik,
umalis na tayo.
NIGANG (Kukunin ang sandok, akmang
hahampas.): Umalis ka!
Ilalabas ni Boy Rapist
ang kanyang baril. Itututok n'ya ito kay Nigang,
na mapapatigil. Ibabagsak ni Nigang ang sandok.
Tatakbo si Nigang.
BOY RAPIST: Manloloko! Pinaasa mo
ako! (Babarilin ang binti ni Nigang.)
Bagsak
si Nigang sa sahig. Bubuhatin ni Boy Rapist si Nigang
papunta sa likod ng mesa. Gagahasain n'ya ito.
NIGANG: Wag! Wag!
Magkatapos
ng ilang sandali'y iiyak na lamang. Malakas
at tuloy-tuloy ang iyak na ito.)
SERIAL RAPIST (Nakatingin sa likod
ng mesa): Wag! Wag! (Lalayo. Mapapaupo,
itatago ang mukha sa mga kamay.)
Ilang sandali na puro
iyak ni Nigang at tawa ni Boy Rapist ang maririnig.
BOY RAPIST (Tatayo mula sa likod
ng mesa): Paalam pag-ibig! (Kukunin ang sandok,
ipapakita sa mga nanonood, hahampasin n'ya si Nigang.)
Sasabayan ng tunog ng
paghahampas ng sandok ang tuloy-tuloy pa rin na pag-iyak
ni Nigang. Pagkatapos ng ilang sandali'y titigil
ang pag-iyak ni Nigang at pagkatapos pa ng ilang sandali'y
titigil na rin ang panghahampas ni Boy Rapist.
SERIAL RAPIST (Tatayo.): Boy?
(Lalapit sa likod ng mesa.) Tama na, patay
na 'yan.
BOY RAPIST (Aalis mula sa likod
ng mesa, pero roon ang tingin.): Bakit mo ako
pinadalaw pa kung ayaw mo naman pala sa akin talaga?
(Tititig sa sandok, matatanto ang ginawa.)
Ano'ng gagawin natin?
SERIAL RAPIST (Itataas ang kaldero
sa harap ng mga nanonood, saka itatago sa likod ng
mesa.): Ako ang bahala. Kunin mo ang sandok
at kutsilyo.
Iaabot ni Boy Rapist
ang sandok at kutsilyo.
BOY RAPIST: Ano 'yan? Nakakadiri!
(Titingin kay Serial Rapist, tapos kay Manong Carinderia.)
SERIAL RAPIST: Tahimik, nagluluto ako!
(Mag-iingay, saka iaangat ang kaldero sa mesa.)
Gigising at tatayo si
Manong Carinderia.
MANONG CARINDERIA: Ano'ng ginagawa
n'yo? Hindi ba't pinalayas ko na kayo?
SERIAL RAPIST (Iaabot ang kaldero.):
Pumunta lang kami para magpaumanhin. May dala kaming
pagkain bilang simbolo ng pagsisisi.
MANONG CARINDERIA (Uupo, kukuha
ng plato.): Tamang-tama gutom ako (Kakain.)
Nasaan kaya si Nigang? Ang anak kong 'yun-ang ganda-ganda,
pero ang taba-taba!
BOY RAPIST: Parang baboy!
MANONG CARINDERIA: Oo nga! (Kakain
pa lalo.) Ang sarap nitong putahe a! Ano'ng
tawag dito? Ano ba 'to? Maasim pero katakamtakam!
SERIAL RAPIST: Si Nigang po. "Si Nigang
na baboy"!
WAKAS