hal. isyu 1 available na
Ang hal. ay isang lathalaing online at print na nakatuon sa mga kontemporanyong akdang Filipino sa iba’t ibang anyo. Mababasa sa Isyu 1 ng hal. (http://hal-dyornal.com/) ang mga akda nina Colleen Gadon, Allan N. Derain, Faye Cura, MJ Paluga, Princess Marasigan, Adam David, Nikka Osorio, Angelo V. Suárez at Donna Miranda, Vlad Gonzales, at Marchiesal Bustamante.
Pinapamatnugutan ang hal. nina Mesándel Virtusio Arguelles, Oliver Ortega, at Joseph de Luna Saguid. Inilalathala ito nang tatlong beses sa isang taon.
Para sa limitadong nakalimbag na edisyon ng hal. Isyu 1, maaaring ipadala ang inyong order sa hal.dyornal@gmail.com. Mabibili rin ang hal. sa Bookay-Ukay, #55 Maginhawa Street, UP Village, QC at sa Kanto, The Collective, #7274 Malugay Street, Makati.
Inaanyayahan ang mga interesadong manunulat na magpasa ng mga akda para sa hal. Isyu 2. Ilalathala ito sa Mayo 2012. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang http://hal-dyornal.com/magpasa.htm.
Date and Time:
February 6, 2012 - 12:00am - February 29, 2012 - 12:00am



