LIRAHAN ngayong Pebrero: Tagay at Tula para kay Teo Antonio; lunsad-aklat ng Isa Lang Ang Pangalan ni Rebecca T. Añonuevo

Ipagdiriwang ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ngayong buwan ng Pebrero, sa palagiang “LIRAhan”, isang tulaan sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon, ang akda at ambag sa panitikang Filipino ng makatang Teo T. Antonio.  Kasabay ng pagpupugay ang lungsad-aklat ng pinakabagong koleksyon ng tula ni Rebecca Añonuevo, ang Isa Lang Ang Pangalan, na inilathala ng University of Santo Tomas Publishing House.

Tampok na magbabasa sa LIRAhan sa Peb. 21, 2012, 7 n.g., ang mga makatang LIRA na sina Michael M. Coroza, Vim Nadera, Joey Baquiran, Rebecca Anonuevo, Ariel Dim Borlongan, Phillip Kimpo Jr., Mariane A.R.T. Abuan, Debbie Nieto, Giancarlo Abrahan, Louie Jon A. Sanchez, Jerry Gracio, Joselito D. Delos Reyes, MJ Tumamac, Charles Tuvilla, Enrico Torralba, RR Cagalingan, Mikael Gallego, Natalie Sepe, Noel Fortun, Beverly Sy, at Edgar Calabia Samar.

 

Pamumunuan naman ang pagpupugay kay Antonio ng mga haligi ng LIRA na sina Fidel Rillo, Marne Kilates at Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario.

 

Ang “LIRAhan” ay programa ng LIRA na ginaganap tuwing ikatlong Martes ng bawat buwan.

 

Ang LIRA ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino, at siyang nagpapatakbo ng kaisa-isang palihang pampanulaang nagtutuon ng masusing pag-aaral sa tradisyonal at makabagong pagtulang Filipino, sa ilalim ng pamamahala ni Almario mula pa noong 1985.  Noong 2011, ginawaran ito ng pagkilala bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) ng National Youth Commission at TAYO Foundation.

 

Para sa iba pang detalye, magtungo lamang sa http://www.facebook.com/events/232935916796587/.        

Date and Time: 
February 21, 2012 - 7:00pm - 10:00pm