fiction
Sa Mumu, Wag Matakot!
ni Mark
Angeles
NASA metaphysics versus dialectical materialism
kami nang humingi ng 10-minute break ang mga kasama.
Labing-isa kami; kalahati ay tambutso.
Unang gabi sa lumang bahay. Sumasapin sa alingawngaw
ng boses namin ang sitsit ng mga kuliglig.
Biglang nagpulasan mula sa kuwarto ang mga nagyoyosi.
"Diyan namatay ang lolo ko," paliwanag
ng may-ari.
"DM! DM!" pagbibiro ni Jean-Paul.
"May mga ginabing NPA na nakituloy sa masa,"
ani Ezra. "Nilooban dati ang bahay. Nireyp
at pinatay ang dalaga sa CR na pinagmumultuhan."
“Hindi pala ito ginalaw. May mga bakas pa
ng natuyong dugo. Nang linisin nila, hindi na
narinig ang umiiyak tuwing hatinggabi.”
back to fiction | home |