fiction
Today with Kris Aquino
ni Rommel
Barona Rodriguez
I KNOW, NO NEED
TO BE REMINDED
Only the truth will set you free
Look who's who and what's going on
Reach out and talk to me!
-- mula sa theme song ng TWKA
Binuksan niya ang TV. Nakangiti sa kaniya si Kris. Nakita
niya ang sarili sa telebisyon.
Open credits
Dinig ang theme song ng show ni Kris.
On cue.
Ready camera 1, 2, 3.
Sisigaw ang floor director, You're on!
Full shot kay Kris.
Audience applause.
Kris: Good morning ladies and gentlemen. Live po tayo
ngayon via satellite. Good morning to my mom. I'm sure she's watching
right now. At least, di ba, grabe, sikat pa rin ang anak mo kahit iniwan
akong luhaan ni Philip. Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk. Hi to my son, Josh-u-ha.
Don't forget to eat merienda darling, para maging strong and healthy
ka tulad ko at ng father mong action star. And to Philip, hindi ako
bitter 'no, basta happy ako, kasi nariyan naman si Josh-u-ha. Siya
ang source ng happiness ko ngayon. Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk. Alam
ninyo super exciting talaga ang ating talk ngayong morning. Grabe!
Kahit nga ako, na di ba, super conservative ang family, kasi pure Catholic
kami, pero liberated woman in a sense, nabigla, or should I say, na-amaze
sa guest natin ngayong araw. Let me introduce him. He's a karaniwang
mamamayan sa country natin. Karaniwan, in a sense na, dumating siya
dito with common shoes and shirt. Well, naka-jeans pero hindi naman
kamahalan. His kinda cute, hmmm, cheezum. I'm sure, he's medyo babaero.
Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk. He works in a daily tabloid as a writer.
Pero ngayon, I'm sure, magiging sikat na siya. At mukhang gustong pasukin
ang show-beezz-nesss. Amazing talaga! Actually before the show, nag-usap
na kami at witty talaga siya. Maraming insights besides sa humor niya.
We also have by phone Dr. Margarita Holmes, a famous psychologist na
nag-fo-focus sa phenomenon ng sexuality to help us understand some
important details during the discussion and enlighten us with professional
tips. Well hindi na ako magpapaikot-ikot pa, please welcome Adoniz,
ang lalaking may hiwa! Or should I say, Adonis, the man with a vagina.
Para naman hindi mashadong vulgar. Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk. Hello
Adoniz.
Cut to:
Adonis: Hi sa iyo at sa audience natin.
Cut to:
Kris: Hi Doktora Holmes.
Voice over:
Doktora Holmes: Hi Kris at sa mga nanonood ng iyong
top-rating show.
Kris: Before we start the discussion, let's pause for
a commercial break. Don't change that channel, we'll be right back.
Audience applause
Dissolve to:
Commercial gap:
Dayanara Torres, Miss Universe, talks about women's
secrets.
It's so thin, you'll think it's a panty shield, but
it's not.
It's new Whisper, with wings! Blah, blah, blah, blah.
Narito na ang bagong babae.
Rossana Roces talks about domestic violence and AIDS
Karapatan mo ang gumamit ng proteksiyon.
Delikado na ang panahon. Umiwas sa AIDS.
Kahit sino puwedeng magkaroon nito.
Karapatan mong magsabi ng hindi.
Blah, blah, blah.
Commercial ng yosi.
Commercial ng beer.
Back to studio.
On cue.
Close-up kay Kris.
Kris: We're back! So sa mga audience na ngayon lang
nag-tune-in. Ang topic natin ngayon ay tungkol sa isang kababalaghan.
Isang sexual phenomenon. Special guest natin si Adoniz, ang lalaking
may hiwa. At by phone, Doktora Margarita Holmes. (Kay Adonis) Kumusta
ka na ngayong may vagina ka na, instead of a peniz. O my gosh, sorry
for the grabeng word. Yaya, close mo ang tv, baka mapanood kasi ni
Josh-u-ha. Hindi ito puwede sa kaniya, grabeee! Ha, ha, ha, ulk, ulk,
ulk. Mommy, trabaho lang ito ha! Philip, makinig ka baka may matutunan
kang bago, besides sa English lessons mo. Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk.
Cut to:
Close-up shot.
Adonis: Sa una, natakot ako, pero ngayon, I feel excited
about it. Freakish in a way.
Cut to:
Kris: Excited, bakit naman? Hindi ka ba natatakot na
baka isa ka na sa mga ituturing na freaks ng ating society? You know,
a guy with a vagina? That is so horrible. Ay, excuse me sa term ha,
I meant no harm.
Adonis: Okey lang, sa tingin ko, sa umpisa lang naman
iyon. Matatanggap din ako siguro. Malay mo, may mag-alok pa sa akin
ng pelikula.
Kris: May star complex ka rin pala. But paano ba sumulpot
ang vaginang iyan between your legs?
Adonis: Nagising lang ako isang umaga. Noong binalak
kong mag. mag.
Kris: Yes, mag-ano?
Adonis: Medyo censored e.
Kris: Okay lang, I don't think na magagalit si Tita
Armida, we're educational naman e.
Adonis: Well nang binalak kong magbate!
Cut to:
Kris: Oh my gosh! Tita Armida, isang term lang naman.
Don't cut us sa air. You mean to mas-tur-bate. Really? So parang Immaculate
Conception. Baka magalit ang church natin niyan. Baka mahimatay si
Cardinal Sin. Tell me how you feel right now. Gusto mo bang magka-boyfriend?
O maging single? O tuloy pa rin ba ang pambababae mo?
Cut to:
Adonis: Actually, I'm still confused right now. Pero
balak ko munang magbago ng career. Una, stop muna ako sa pambababae.
Kasi ayaw ko naming makipag-pompyang no.
Kris: What's pompyang?
Lalaki: Kiskisan ng vagina to vagina.
Cut to:
Kris: Grabe! Kadiri, yak pero uuum sounds interesting.
Ai, Ai, are you listening? Chin, Chin, sana nanonood ka. Aiza, are
you there? Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk, joke!
Cut to:
Adonis: Quit muna ako sa trabaho bilang writer sa tabloid.
Gusto ko sanang pumasok muna sa perya hanggang hindi pa ako masyadong
sikat. Gusto kong mag-travel around the Philippines, tapos sa mundo
naman.
Kris: Why naman perya, cheap noon ha. Balak mo bang
ipakita ang vagina mo sa audience?
Adonis: (Is that a stupid question or what? O stupid
ka lang talaga?) Are you joking?
Cut to:
Kris: No ha, I'm serious.
Cut to:
Adonis: Siyempre, I need to show them what I have before
sila maniwala. Pero hindi tulad ng mga babaeng gagamba, asong kumakanta,
o lalaking paniki, ibang image ang gusto ko. Dapat may degree of seriousness
at respect. Hindi dapat ako pagtawanan, katakutan. Gusto ko, hangaan
ako ng mga manonood.
Cut to:
Kris: May monthly period ka ba? I mean regal, you know,
stuffs like that?
Cut to:
Adonis: Actually, isa iyan sa mga pagkakaiba ko sa mga
babae. Hindi ako dinadatnan. Well, besides sa wala rin akong boobs
and I still have my adams apple, hindi ko kailangang gumamit ng panty
liners at sanitary napkins.
Cut to:
Close-up shot.
Kris: Good for you, at least hindi madadagdagan ang
gastusin mo. Nakaramdam ka ba ng depression nang mangyari ito sa iyo?
Cut to:
Close-up shot.
Adonis: Oo naman, noong una na-depress ako kasi hindi
ko na maaaring gawin ang ginagawa ko dati. Pero I came to realize na
bakit hindi ko gamitin kung ano'ng mayroon ako. I mean, mayroon akong
vagina, pero hindi naman ako bakla o babae. In a sense, pakiramdam
ko, macho pa rin ako, parang si Ka Ipe.
Cut to:
Kris: (Nahuling nakasimangot.) Ganoon?! Ano'ng ginagawa
mo noon kapag depressed ka?
Adonis: Well, dati I tried suicide.
Cut to:
Kris: Suicide? You mean, nagtangka kang magpakamatay?
Why naman. That's bad ha.
Cut to:
Adonis: I-ha-hang ko na dapat ang sarili ko noon, pero
naalala ko na gusto ko pang mabuhay. Minsan naman, I cut myself dito
sa wrist. Actually, hindi lang isa ang hiwa ko, marami. Ha, ha, ha.
Saka yaong usual types na gawain kapag depressed ka, yosi, alak at
kung ano-ano pa.
Cut to:
Serious audience.
Cut to:
Kris: Doktora Holmes, what can you say about his depression?
Bakit niya ito nararamdaman? Isn't that bad? Is that normal?
Voice over:
Dissolve picture of Doktora Holmes. Close-up ng smiling
face.
Doktora Holmes: Yah, okey.it is said that depressed
gays or transsexual or sa case niya, na hindi pa clear kung ano siya,
nagkakaroon ng degree of emotional crisis at loss of identity. Ayon
nga sa kaniya, kahit may vagina siya, naroon pa rin ang pagiging lalaki
niya. Ang definition ng lalaki, hindi lang tungkol sa sexual preference,
hindi naman kasi identity ang issue, it's all about performance. Sa
case ng depression, since they have to spend their formative years
gauging mood states, they develop a special sensitivity to small cues
for emotion. For example, they tend to destroy themselves kasi hindi
nila matanggap ang katotohanan na may nagbago sa kanila. At ang pagbabagong
ito ay major sa kanilang buhay, tungkol sa kanilang sexuality. Lumaki
siya with a penis, nagising siya isang araw na may vagina. That's not
easy to accept especially if you're somewhat babaero. Bukod doon, kapag
nalaman pa ito ng society natin, mas magkakaroon ng wider degree of
discrimination.
Cut to:
Kris: Why do people tend to discriminate bah? Paano
iyan nakita na si Adoniz sa TV?
Doktora Holmes: People discriminate those who look and
act differently. Ang mga tinatawag ng traditional psychologist na deviants,
ang term na mismong iyon, discriminating na. Kaya nga may term for
abnormal because we have this notion of being normal, of being accepted
by society. Kaya pag iba ka, hindi ka dapat, well, daw, dapat mag-exist.
Discrimination also maintains the status quo, ang mga nasa power, kailangang
mag-remain sa power para patuloy at mai-assert ang kanilang existence
kaya kailangan, mayroong na-aapakan. Sa case ng sexuality, iyan iyong
mga itinuturing ang sarili nila bilang heterosexual. Of course may
iba't iba pa itong components tulad ng class, race, ethnicity.
Cut to:
Close-up.
Kris: Adoniz, do you feel discriminated?
Adonis: Lahat naman tayo nakaka-experience ng discrimination.
Kapag mataba ka.
Kris: Aray koh ha.
Adonis: Hindi ka naman mataba, malusog lang. o kaya
kapag you look and act different. Noong bata ako, discriminated ako
kasi mahirap lang kami. Sa trabaho discriminated din kasi hindi ako
nakatapos ng pag-aaral.
Kris: Balak mo bang mag-tour sa mga malls? Sakaling
may kumuha sa iyo?
Adonis: Of course. Pero _______ _______ parang ______
o mutant. Gusto kong mag-introduce ng bagong damit at iba pang products
na made para sa mga katulad ko. In a capitalist society lahat naman
ng tao, nagiging commodity. So I'm sure, may mga businessmen diyan,
locals and foreigners alike na nagbabalak mag-invest sa mga product
na maaari kong i-promote. I think sa States, mayroon ng gano'n.
Cut to:
Kris: You sound intelligent. Where did you study bah?
Cut to:
Adonis: Well, dropout ako ng UP. Nag-stop akong mag-aral
noong second year college. I told myself na kaya ko namang magsulat
so why study pa, bukod sa problems financially.
Kris: You sound more of an Atenean actually. With that
kinda accent. Like me of course. Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk.
Cut to:
Kris: Looking for a manager?
Adonis: I'm planning to manage myself muna. I have the
guts and talent naman, and of course the vagina. Pero pag medyo hindi
ko na makayanan ang schedule sa mga interview, I'm planning to have
one. Actually after your show, may taping ako with Korina.
Cut to:
Kris: Really? Wow, talaga yatang tuloy-tuloy na ang
pagsikat mo. Plan mo bang pumasok sa movies?
Cut to:
Adonis: Oo naman. I'm sure magkakagulo ang mga audience
sa katulad ko. Sort of, mag-cre-create ako ng mass hysteria o panic
sa movie market. At feeling ko, feeling ko lang naman no, pag-aagawan
ako ng mga producer. Best choice ko, well, Star Cinema. Because I believe,
na inaalagaan nila ang mga talent nila. Di ba ang iba ngang artista
kahit walang talent, tumatagal, ako pa na bukod sa talent may special
talent pa. So tingin ko, puwede akong mag-ST. Hindi pa ako sure kung
bold talaga o slight lang muna. Pero kung art film naman at ang director
ay sina Tikoy o Mike de Leon o Chito, okey lang. Sa ngayon gusto ko
general patronage ang image ko. Wholesome image.
Cut to:
Kris: Fishing ka talaga. Paano kapag may nag-offer ng
soap opera. Parang the Rosalinda phenomenon o kaya 'yung
parang Mula sa Puso ni Claudine?
Adonis: Well, depende.
Kris: Depende saan?
Cut to:
Adonis: Depende sa kung sino ang makakasama kong mga
artista. Puwede na si Piolo. Budding actor, saka magaling naman siyang
umarte. Puwede na rin siguro si Juday kasi sikat na siya.
Cut to:
Kris: Teka, I don't understand. I'm quite confused here.
Ano ka ba? Bakla, babae, lalaki, o tomboy? (Freak!) Don't get me wrong
Adoniz ha, I'm just doing my job, saka iyon ang nakasulat sa cue cards
ko e. Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk.
Cut to:
Adonis: Actually, I don't want to make kahon sa sexuality
ko. I can be both, man and woman o bakla, o tomboy. (I can fuck anybody!)
Puwede akong magkaroon ng love scene with Piolo. Puwede ring magkaroon
ng kissing scene kay Juday o vice versa.
Cut to:
Kris: Sounds weird to me. Ano kaya ang magandang title
ng show mo?
Adonis: Di ba writer ako, kaya napag-isipan ko na rin
iyan. Actually, ang theme, sort of love triangle between Piolo, Juday,
and me. Pag-aagawan nila ako. Maraming complications. The usual formula
for teleplays. Dapat nakapasok doon ang mga convention. Iyong masasaktan
ako, ako ang kaawa-awa. Dapat ma-earn ko ang simpatya ng audience.
Pero dapat ako ang magtatagumpay sa pagtatapos ng soap opera. Mga stuff
na gayon. Well sa title, kailangan hindi baduy. Dapat may dating para
tumagal unlike sa other soap opera na nawala kasi bukod sa baduy ang
title, baduy din ang mga artista.
Kris: So anong title?
Adonis: Para medyo postmodern at the same time pangmasa,
puwede na siguro ang HINDI ITO ANG ARI KO: The Untold Story of Adonis,
the Self-pollinating Gumamela. Kung medyo pang erotic-pop culture,
puwede na ang MULA SA HIWA o kaya LABO NI BABES.
Kris: Doktora Holmes, bakit kailangan niyang i-assert
ang kaniyang sexuality thru television o kaya sa movies?
Voice over:
Doktora Holmes: Yah, okey Kris. Unang-una, nasa metropolis
ang setting natin. Walang bahay ang walang TV. Lahat nahuhumaling din
sa panonood ng pelikula. We spend most of our time sa harap ng television.
The more the audience, the wider the power to assert. Mabilis ang buhay
sa Maynila. Bunga ng technology, nagkakaroon ng time and space compression.
Kung iuugnay natin ito sa sexuality, dahil sa technology, maaari na
ring baguhin nito ang ating pagkatao. Let me give an example. Sa Netherlands,
ang government ang nagbabayad sa mga transsexual for an operation.
They belong to the first world and they have the technology. Sa Filipinas,
dahil sa ating kalagayan bilang third world, nahuhumaling tayo sa mga
himala para magkaroon ng katuparan ang ating mga pangarap.
Kris: But Adoniz's case is different. He says he's still
macho and all. Hindi naman siya nangarap maging babae.
Doktora Holmes: Precisely. My impression is that, people
are sometimes afraid to talk about their sexuality and the reality
of their particular desire especially if that desire tends to challenge
stereotypes. Magandang kaso ang experience ni Adonis dahil hindi niya
naikakahon ang kaniyang pagkalalaki sa pagkakaroon lamang ng penis
o sa pagkakaroon ng term na lalaki. Sa pagkakaroon niya ng vagina,
nabibigla ang tao pero malinaw kay Adonis kung ano ang kaniyang gustong
performance sexually. Hindi lalaki si Adonis, kumbaga gayundin sa mga
babae, bakla, lesbians. Lahat tayo ay napapaloob sa construct of society
dictated by powerful institutions, tradition, and culture. And sometimes
we must break the stereottheir particular desire especially if that
desire tends to challenge stereotypes. Magandang kaso ang experience
ni Adonis dahil hindi niya naikakahon ang kaniyang pagkalalaki sa pagkakaroon
lamang ng penis o sa pagkakaroon ng term na lalaki. Sa pagkakaroon
niya ng vagina, nabibigla ang tao pero malinaw kay Adonis kung ano
ang kaniyang gustong performance sexually. Hindi lalaki si Adonis,
kumbaga gayundin sa mga babae, bakla, lesbians. Lahat tayo ay napapaloob
sa construct of society dictated by powerful institutions, tradition,
and culture. And sometimes we must break the stereotypes in order to
fully understand humanity and particularly, our sexuality. For example
in India, they have in their culture, ang mga tinatawag na "hijra." Mga
lalaki ito na nagdadamit babae and they perform sa festivities, pero
lalaki sila. Sa Samoa naman, ang mga lalaki ang tunay na Rosalinda
kasi may mga bulaklak sila na iniipit sa tenga. Kapag inilapat iyon
sa society natin, pagtatawanan natin sila. Pero ganoon ang concept
of masculinity sa culture nila.
Cut to:
Kris: Thank you doktora. Grabe, ang daming insights
talaga. Anyway, isa sa mga field reporters namin ang nangalap ng comments
tungkol sa topic natin. Roll VTR.
Dissolve to:
On VTR.
U.P. Professor: According to Freud. according to Foucault.
according to the phenomenon of human behaviour. according to.blah,
blah, blah.
U.P. student: Keri lang.
Pulis: Dapat ikulong iyan, o kaya sa perya ilagay. Ha,
paano kung anak ko? Isasali ko sa Pinoy Exposed ! Dagdag kita
rin iyon.
Tindera ng Banana cue: Ay ano ba iyan!
Miriam Student: My God ano ba iyan?
Ateneo Student: My God!
De La Salle Student: God!
St. Benilde Student: Huh?!
Drayber ng Dyip: Gagarahe na ako e.
Cardinal Sin: Bless him for I have sinned.ay siya pala.
ERAP: Ay badinggggg!
Ate V: I'm sure.lucky siya.
Ate Guy: Walang himala!
Tita Cory: Hay naku Kristeta! Ano na naman itong ginagawa
mo!?
Out VTR.
Cut to:
Kris: Grabee! Sinong nag-interview sa mom koh? Kayo
talaga ha. Anyway Adoniz, we have a surprise for you. Una, we have
here a dildo. Galing pa iyan ng Australia. Gamitin mo muna habang wala
kang partner. Ay, grabe, si Ipe ko rin. Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk.
Grabe, I'm beginning to be bastos na. Philip, miss you nah!
Adonis: Thank you Kris.
Kris: That's not all. We have here a special picture
of mine with my son Josh-u-ha. Naka-frame na iyan kaya all you have
to do is isabit sa wall ng bahay mo. May autograph ko na rin iyan.
Adonis: Salamat.
Kris: We're not finished yet. May ilang guests pa tayo.
First, isa sa mga matalik kong kaibigan. Actually siya ang mag-iintroduce
ng talagang guest natin. To my knowledge, may naka-set din siyang interview
with you and I think he's planning to be your manager. Friends, Mr.
Boy Abundah!
Cut to:
Audience applause.
Senti music
Kris: Boy, anong message mo kay Adoniz?
Boy Abunda: Hi Kris. Hi Adonis. Kumusta? Ito lang ang
masasabi ko sa iyo. Lahat tayo ay inaapi. May mga pagsubok tayong nararanasan.
Sakit na hated sa atin ng tadhana. Kung minsan, hindi na natin makayanan.
Pero sasabihin natin sa ating sarili, life must go on. Kailangan nating
lumaban. Kung hindi tayo lalaban sa mga pagsubok na ito, hindi natin
makakamit ang minimithi nating tagumpay. Sa bawat tagumpay natin na
nais makamit, dapat lang natin na ilaan ito sa mga mahal natin sa buhay.
Ilalabas ko ang aking mahiwagang salamin. Isipin mong nariyan ang nanay.
What will you say to her? What will you tell her now that you've changed
a lot? Now that you're planning to enter showbiz? Nariyan siya, nakikinig
sa iyo.
Adonis: Inay.ummm, paano ba ito? Inay, pangako sa inyo,
gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para matupad ang inyong pangarap
para sa akin. I'm going to be a superstar!
Voice over ng nanay.
Patuloy ang senti music.
Nanay: Hello.a, hello?
Kris: Yes mommy, narito po ngayon si Adoniz. He's listening
to you right now.
Nanay: Anak, ang nanay ito. Sana maging maligaya ka
sa iyong naging desisyon. Proud kami ng itay mo, anak. Aabangan naming
ang iyong mga palabas sa TV. Balak na rin naming magtayo ng fans club
mo. Katunayan, anak, sinisimulan na naming dito sa ating barangay.
Kris: Wow, grabe, I wish I had a mother na supportive
din. Mommy, ano pong wish ninyo sa inyong anak?
Nanay: Well, Kris, I wish him success. Mabait iyang
anak ko. Salamat sa tulong ninyo, especially kay Boy. Salamat sa inyo.
Boy Abunda: You're welcome mommy.
Kris: Thank you so much mommy, and Boy. See you mamaya
para sa chikahan natin. Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk. Thank you Doktora
Holmes, for giving us important tips. I hope hindi ka magsasawa ha?
Voice over.
Doktora Holmes: Yeah, okey Kris, you're welcome any
time of the day, except Sunday. Beauty rest ko iyon e.
Kris: Si Doktora talaga, mahilig magbiro! (Baka may
race sa San Lazaro!) Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk.
Kris: Any last words Adoniz before we pause for another
commercial break? Upcoming appearances? Or even concerts?
Adonis: Yah, plan ko ring magkaroon ng singing career.
Actually right now, I'm having music lessons sa Pop Music Philippines.
But for now I would like to thank you Kris, personally for inviting
me sa show mo, and I hope this is not the first and the last. At siyempre
kay Boy for the support. Alam kong magsasama pa tayo nang matagal-tagal.
Sa ating mga butihing manonood naman, abangan ninyo na lang ang iba
ko pang interviews. Mamaya nasa Balitang K ako. Tapos iyong
isa sa kabilang station.Kris puwede bang sabihin?
Kris: Sure, walang problema 'no, we're not competing
anyway, kasi we're number one! Ha, ha, ha, ulk, ulk, ulk.
Adonis: Nasa Extra, Extra ako saka Emergency .
Doon may ipapakita silang feature tungkol sa life story ko. At siyempre,
sa show ninyong The Buzz .
Kris: Thank you Adoniz for guesting sa show ko. I wish
and hope for your success sa future. Sana makasama rin kita sa movie
o kahit tv show man lamang. Well, mga minamahal kong audience, tapos
na ang ating interview with Adoniz and I hope may naiwang insights
sa inyo ang ating guest. Let us not discriminate those who are like
him. Yah, yes, medyo freaky, pero I think they have their own story
to tell and we have our own lessons to be learned. Meanwhile, commercial
ulit muna. Don't touch that dial.
Cut to:
Audience applause.
Theme song ng show.
Commercial gap.
back to fiction | home |