folk literature
Bakit Ba Nang Minsang
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino
Bakit ba nang minsang
kita’y nasalubong
sa gipit na daan,
bitbit mo ang payong,
binabati kita,
di ka man lumingon,
titig ng mata ko,
pinahabul-habol.
Kung natanto kong
ako’y gagayunin,
dalawang mata ko,
sabay bubulagin;
ako’y nagpagawa
ng kakabaungin,
sa patay o buhay,
ako’y palilibing.
back to folk literature |
home |