folk literature

Ilang-Ilang
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino

Sa bayan kong sinta’y
may isang bulaklak,
kasuyo ng hamog,
ligaya ng lahat;
sa leeg ng mutya
ay sadyang pangkwintas,
sa pusong may lungkot,
panlunas na ganap.
‘Yan ang ilang-ilang ko,
walang katulad sa mundo;
ang libo mang hirap ng puso mo,
ay malulunasan ng kanyang bango.

back to folk literature | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive