folk literature
Karagatang Ito
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino
Karagatang ito,
kahit na malalim,
pangangahasan kong
aking lulusungin;
hustong bait ninyo
ang titimbulanin
na inaasahang
sasagip sa akin.
sagot:
Karagatang ito
oo nga’t mababaw,
mahirap lusungin
ng hindi maalam;
kaya kung sakaling
ako’y masawi man,
kamay mong sasagip
yaong hinihintay.
back to folk literature |
home |