folk literature
Magtanim ay Di Biro
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino
Ay, napakasawing palad
ng mga inianak sa hirap,
kung ang bisig ay di iunat,
di makakahawak ng pilak.
Sa umagang pakagising,
ang unang hahanapin,
kung saan may patanim,
may masarap na pagkain.
Magtanim ay di biro,
maghapong nakayuko,
‘di ka man makatayo,
‘di ka rin makaupo.
Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig.
Halina, halina, mga kaliyag,
tayo’y magsipag-unat-unat,
magpanibago tayo ng lakas
para sa araw ng bukas.
back to folk literature |
home |