folk literature

Mahal na Ginoo
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino

Mahal na ginoo, nagpupumilit ka,
ako’y turuan mo ng sumar de cuenta;
bituin sa langit, kung ilang hilera,
ang tubig sa dagat, ilagay sa tasa.

Mahal na ginoo, nagpipilit ka rin,
dahon ng aroma ay iyong hichuhin;
pagka nahicho mo’y dalhin mo sa akin,
ang hain mong sinta’y pilit tatanggapin.

Mahal na ginoo, huwag kang magpumilit
umakyat sa kahoy na lubhang matinik;
baro’t salawal mo’y magkakampupunit,
kung sa ganang akin, walang masasapit.

back to folk literature | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive