folk literature
Paru-Parong Bukid
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino
Paru-parong bukid na lilipad-lipad
sa gitna ng daan, papagapagaspas,
sangdangkal ang tapis, sambara ang manggas,
ang sayang de kola ‘sang metro ang sayad.
May payneta pa siya, may suklay pa man din,
nagwas de ohetes ang palalabasin;
haharap sa altar at mananalamin,
at saka lalakad nang pakendeng-kendeng.
back to folk literature |
home |