folk literature

Sanggol Kong Anak na Giliw
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino

Sanggol kong anak na giliw,
matulog na nang mahimbing,
marami akong gagawin,
huwag mo ‘kong abalahin.

Iyang duyang hinihigan,
banig mo’t lampin ay gutay,
tayo’y mahirap na tunay,
luha at hapis ang yaman.

Itong ina mo ay dukha,
balo sa nag-aaruga,
ulila na ngang mistula
sa am among makalinga.

Kung lumaki’t magka-isip
ikaw bunso’y magbabait,
mag-aaral nang masakit
ng kabanalang malinis.

back to folk literature | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive