folk literature

Tao Po, Tao Po
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino

Tao po, tao po, may bahay na bato,
buksan ang bintana, tayo’y magpandanggo;
kung walang gitara, kahit na bilao,
makita po lamang ang dalaga ninyo.

Dalaga po ninyo, ayaw magpaligaw,
pumasok sa kuwarto’t nagsakit-sakitan;
tinanong ng ina kung ano ang dahilan,
sagot ng dalaga, masakit ang tiyan.

Agad nagpakaon, dalawang mediko,
pinagtig-isahan ang dalawang pulso;
sabi ng mediko, walang sakit ito,
sinta sa pag-ibig, umakyat sa ulo.

back to folk literature | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive