organizations

Cavite Young Writers Association

Itinatag ang Cavite Young Writers Association noong Hunyo 2003 ng mga fellow mula sa Cavite Creative Writing Workshop ng nasabing taon. Si Dr. Efren Abueg, ang kanilang adviser hanggang sa kasalukuyan, ang nagbigay-inspirasyon sa kanilang magtatag nito. Noong Oktubre 2003, ni-launch ito bilang isang organisasyon at sila ay binisita pa ni Gob. Maliksi ng Cavite. Nagkaroon ng din ng assembly ang CYWA noong 2004 kung saan dumalo ang mga kabataang manunulat mula sa iba’t ibang sulok ng Cavite. Karamihan ay nanggaling sa DLSU- Dasmariñas, Cavite State University, Imus Institute at San Sebastian College Recoletos-Cavite City.

Layon ng CYWA na linangin ang pampanitikang kamalayan ng mga kabataang manunulat sa rehiyon, palaganapin ang mayamang pampanitikang kasaysayan na kinatatampukan ng ilan sa mga batikang manunulat ng Pilipinas: Teo S. Baylen, Alejandro G. Abadilla at Dr. Efren Abueg; at palitawin ang tatak-Caviteño sa panitikan. Hangad ng CYWA na sa pamamagitan nila ay mabigyan ng pagkilala ng bayan ang mga manunulat nito.

Bagama’t bata ang organisasyon, napakarami na nitong nagawa at gagawin. Nagkaroon ito ng exposure trip para sa kanilang kasapi upang makapagpalabas ng bagong paraan ng pagsusulat mula sa Cavite folk culture. Pinuntahan nila ang Sanghiyang, isang grupo mula sa Alfonso na nakakapaglakad sa apoy, at ang mga gumagawa ng agimat sa Noveleta. Mayroon din silang literary clinic kada Miyerkules ng gabi sa residente ni Ronald Verso, ang presidente. Pinangunahan ng CYWA ang Proyekto Musela, isang workshop para sa mga estudyante ng high school. Nagbibigay din sila ng pampanitikang lecture na may tuon sa panitikang Caviteño sa iba’t ibang paaralan sa Cavite. Hindi rin sila pahuhuli sa mga poetry reading. Noong Pebrero 2005, nagtagumpay ang “Tinig ng Darating” na ginanap sa Tanghalang Julian Felipe Salazar, DSLU Dasmariñas. Sa buwang ito, nagkaroon din ng poetry reading ang CYWA sa Star Mall Alabang at EDSA. Nagbigay sila ng tribute kay Dr. Abueg noong Setyembre 2005. Lahat ng akda ni Dr. Abueg ay pinagsama-sama at ginawang film, dula, shadowplay at performance.

Naging bahagi ang CYWA ng The Collegiate Inquiry, ang literary folio ng Imus Institute. Sa ikatlong hati ng taong 2006, binabalak nilang maglabas ng sariling literary folio.

PAMUNUAN NG CYWA

President: Ronald Verzo
Vice-President for External Affairs: Lester de Maranan
Vice-President for Internal Affairs: Jasmine Calimbahin
Secretary General: Earl Octaviano

CONTACT DETAILS:

Cavite Studies Center, DLSU-Dasmariñas, Cavite 4115
(02) 8447832
(046) 4164554 local 3141
cavyoung@yahoo.com

Verzo Residence
Lot 30, 32 Block 11 San Rafael Executive Villa, Brgy. Habay I, Bacoor, Cavite
rverzo@gmail.com

back to organizations | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive