organizations

FEU WRITERS GUILD

Taong 2004 nang mapansin ni Dr. Jaime An Lim ang lalong pamamayagpag ng mga mag-aaral at guro ng FEU sa sari-saring patimpalak pampanitikan. Nang taon ding iyon, pinangunahan niya ang pagbubuo ng FEU Writers Guild. Ilan sa mga layunin ng organisasyong ito ay ang mapayabong ang pagkamalikhain ng mga guro at mag-aaral at panatilihin ang husay nila sa pagkatha ng mga pampanitikang akda. Naniniwala ang FEU WG na integral na bahagi ang edukasyon ng mga estudyante ang pasulat na komunikasyon.

Ilan sa kanilang mga matagumpay na proyekto ang mga sumusunod:

Seminar on Creative Writing na ginanap noong Agosto 2005;

Quality Writings for Quality Textbook, A Commitment to Growth Seminar noong October 2005;

Writers Speak, isang symposium kung saan nag-imbita sila ng mga eksperto sa larangan ng malikhaing pagsulat. Ang naging mga panauhin ay sina Dr. Rebecca Añonuevo, UP ICW Director Vim Nadera Jr., at Prof. Azucena G. Uranza;

Workshop for Children’s Literature na ginanap sa Baguio noong April 2006. Binuksan ito sa mga kuwalipikadong guro at mag-aaral mula sa iba’t ibang sulok ng Metro Manila.

Inilalathala ang mga pampanitikang akda ng mga kasapi sa Ambon, ang literary journal ng FEU. Kadalasan, ang mga nanalo sa Ambon Writing Contest for poetry, fiction and essay sa Ingles at Filipino ay tampok din sa naturang journal. Ang mga pang-akademikong pananaliksik naman ng mga guro ukol sa sining at kulturang Filipino ay mababasa sa Banua, journal ng FEU Filipino department.

Ang presidente ng FEU WG ay si Dr. Lourdes Concepcion. Ang kanyang bise ay si G. Wilson Chua. Bahagi rin ng pamunuan ay sina G. Winston Lou Yuson, G. Crispolo Alande at Bb. Heidi Atanacio. Sina Dr. Jaime An Lim at Dr. Reynaldo J. Cruz ang mga tagapayo.

Kung nais makipag-ugnayan sa FEU WG, narito ang mga detalye: Kagawaran ng Filipino, 4/F Education Bldg., FEU, Nicanor Reyes St., Manila, 735-5621, local 232.

back to organizations | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive