organizations

KAUSAP

Taong 1997 itinatag ang KAUSAP (Kapatirang Umuugnay sa Sining at Panitikan) ni G. Joel Costa Malabanan sa Elizabeth Seton School sa Las Piñas, Manila. Dinala ni ito G. Malabanan sa SAINT VINCENT DE PAUL COLLEGE, Bacoor, Cavite nang siya ay lumipat dito noong 1999.

Malawak ang saklaw na layunin ng samahan na hindi lamang pampaaralan. Pangunahing layunin ng samahan ang payabungin at pangalagaan ang wika at kulturang Pilipino.

Layunin din ng samahan na:

a. itaguyod ang mga makabuluhan at makabayang panitikan at sining ng bansa;

b. hubugin ang kakayahan ng mga kasapi sa larangan ng pagsulat ng tula, maikling kuwento at nobela, ganundin sa iba pang sining tulad ng pagguhit at paglikha ng kanta;

c. maging instrumento sa pagpapahayag ng kaisipan at pakikibaka para sa pagtataguyod sa karapatan ng mamamayang Pilipino;

d. makibahagi sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapayabong pa nito.

Noong isang taon ay nakapaglabas ng isang litery folio ang KAUSAP na pinamagatang Ibong Malaya. Pinamahalan ito ni Marie Lou Aragon Camaclang na ngayon ay nag-aaral na sa UP Manila. May buwanang publikasyon din ang KAUSAP na kinatatampukan ng mga tula at sanaysay ng mga kasapi nito: ang TINIG NG KAUSAP. Mula po noong 2001 ay nakapaglabas na ang KAUSAP nang mahigit apatnapung isyu ng TINIG.

Ilan sa mga matagumpay na programang naisakatuparan ng KAUSAP ay:

1. HIMIG NG PAGLAYA: konsiyerto tampok ang bandang ASIN noong Setyembre 1, 2001, 6:30 ng gabi sa SVDPC, Bacoor, Cavite

2. GABI NG MGA MAKABAYANG AWIT AT TULA: tampok ang MUSIKANG BAYAN Pebrero 28, 2002 6:30 ng gabi, SVDPC, Bacoor, Cavite

3. MUSIKA NG PAGLAYA: konsiyerto ni Gary Granada, Setyembre 13, 2003,6:30 ng Gabi sa SVDPC, Bacoor, Cavite

4. GABI NG MGA MAKABAYANG AWIT AT TULA: tampok ang bandang PAN ni Dong Abay at Onie Badiang at pagbigkas ng mga tula ni Amado V. Hernandez Marso 18, 2004, 6:30 ng gabi, SVDPC Bacoor, Cavite

5. ILIGTAS ANG BAYAN, ILIGTAS ANG KALIKASAN: konsiyerto ng MUSIKANG BAYAN at photo-exhibit ng pinakamagagandang tanawin sa Cavite (tampok ang mga larawang kuha ni Dr. Leonel Vidallon) Pebrero 19, 2005, 6:30 ng gabi, SVDPC Bacoor, Cavite

6. MAHALIN ANG BAYAN, MAHALIN ANG KALIKASAN: konsiyerto ni JOEY AYALA at photo-exhibit ng pinakamagagandang tanawin sa Cavite (tampok ang mga larawang kuha ni Dr. Leonel Vidallon) Set 23, 2005, 6:30 ng gabi, SVDPC Bacoor, Cavite.

Nagsasagawa rin ang samahan ng regular na poetry reading at kasalukuyang nasa proseso ng pagbubuo ng isang literary folio tampok ang mga akdang sinulat ng mga estudyanteng kasapi. May plano ring ang samahan na magsagawa isang seminar sa pagsulat ng maikling kuwentoat nobela kung saan ang iimbitahin ay sina Dr. Lakangiting Garcia at Dr. Efren Abueg. Kung aakmarin sa oras, baka sakaling maimbitahan din si Dr. Cirilo F. Bautista para naman sa hiwalay na sesyon sa pagsulat ng tula

Sa kasalukuyan, ang mga opisyal ng samahan ay sina:

Pangulo: Marianne Topacio (4th yr high school) -09197605122
Pangalawang Pangulo: Tristan Jandoc (3rd yr hs)
Kalihim: Janine Sosa (3rd yr hs)
Ingat-Yaman
: Maresh Cuizon (3rd yr hs)
PRO: James Melegrito (4th yr hs)

Editor In Chief: Karen Gutierrez (3rd yr hs)

Gurong Tagapayo: G. Joel C. Malabanan (09193887919)

back to organizations | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive