organizations

UPLB SAMAHANG L.A.Y.B.
Isang Workshop ng Malikhaing Pagsulat
sa Filipino
Tuwing Martes at Huwebes, 7pm onwards
Gilid ng Main Library,
Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños 4031
Paano isinilang ang LAYB?
Taong 2003...
May ilang mapapalad na kaluluwa
ang naimbitahang sumamba sa dilim.
Mga kaluluwang uhaw sa karanasan;
Mga kaluluwang handang tumuklas ng hiwaga ng mundo;
Mga kaluluwang nais magpahayag ng kanilang saloobin;
Mga kaluluwang naniniwala sa kapangyarihan ng
pagsusulat;
Sa pamumuno at pagagabay ni Ginoong Emmanuel Dumlao,
napalawig ang pananaw at kaalaman ng mga kasapi
tungkol sa lakas ng kapangyarihan ng pagsusulat
bilang isang mahalagang salik sa pagbuo at paghubog
ng lipunan.
Bakit LAYB?
Una sa lahat, maraming kababalaghan
sa layb. Maraming kwentong sex, katatakutan, kulto
at iba pa, pero di alam ng marami na nagsisilbi
rin itong kanlungan ng kalinangan at talino. Dito
ginaganap ang lingguhang workshop sa pagsusulat.
Saksi ang buwan, pati na rin ang mga halama't
damo sa paligid, nagkakaroon ng matapat na pagsusuri
at kritikal na pagtanaw (critique) sa mga komposisyon
upang lalo pang mahasa ang kalinangan sa pagsulat.
Layunin ng LAYB:
Layunin ng LAYB na ilabas ang maliit
na batang manunulat na nakatago sa ating mga pagkatao.
Layunin nitong hasain ang ating natural na potensyal
bilang isang manunulat. Ang LAYB ay walang pakialam
kung sino ka--- mapa-mayaman, mapa-mahirap, ComArts,
Agri, Bio o kahit ano pa ang course mo. Layon
ng LAYB na palaguin nag ating potensyal na kaalaman
sa pagsusulat para makatulong sa pagmumulat ng
ating kamalayan.
Sino ang mga mapapalad
na kaluluwa?
Kahit sino. Ikaw, ako, sila---
lahat nang mga gustong sumamba sa dilim. ( Hindi
kami kulto. Alisin na natin sa ating mga sarili
ang bias na dulot ng binary opposition ng dilim
at liwanag. Walang masama sa dilim; hindi masama
ang dilim.)
Basta hilig mo ang pagsusulat (tula, maikling
kwento, bugtong o kahit ano pa), pwedeng-pwede
kang sumali at subukan ang iyong kakayahan sa
pagsulat.
Halina't sumubok. Sumamba sa dilim.
Mga publikasyon:
ILOG
Kamusta ka na kaya?
Punla
Officers:
President: Genevieve Soriano
Vice President: Paul Irvin Rivera
Documentation Head: Carmel Liria
Membership Committee Head: Czarina Blythe Brodit
Finance Committee Head: Aiza Dotong
Publicity Head: Paul Fonte
Contact Details:
Paul Irvin -- 09062550928
Pinky Soriano – 09274088856 (
prettypinx18@yahoo.com)
back to organizations | home |