organizations
UP UGAT
Higit sa kalahating dekada ng umiiral
ang UP Uganyan ng Manunulat o UP UGAT sa Kolehiyo
ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas
Diliman. Ito ang kauna-unahang organisasyon sa
Unibersidad na nagsusulong ng pagsusulat ng malikhaing
akda gamit ang wikang Filipino bilang midyum.
Nakilala ang organisasyon sa kanyang kauna-unahang
folio na pinamagatang Pandawan na siya namang
nasundan ng ikalawang folio, ang UGAT. Nagkaroon
din ng maliliit na publikasyon ang UP UGAT na
tinawag na zines, na kadalasan ay may temang nagtatahi
sa mga akdang pumapaloob dito. Bata, Bata, Paano
ka Nabakla?, Tikman, ang serye ng Bagito ang ilan
sa mga nasabing zine ng organisasyon. Mga miyembro
ng grupo ang kasali sa lingguhang palihan ng mga
akda. Nagtatanghal din ng masining na pagbabasa
ang mga kasapi. Bukod sa pagsusulat, aktibong
nakikisangkot ang UP UGAT sa mga nangyayari sa
lipunan at sa pagsusulong ng paglilinang sa kulturang
Pilipino.
Sakaling may karagdagang tanong,
maaring magemail sa up_ugat@yahoo.com.
back to organizations | home |