poetry

Alipato
(Halaw kay Jeremias Calixto)
ni Diana R. Agbayani

Buong galak kitang lilimutin
Pagkat ikaw’y matinding pasakit
Sa aking puso; ngunit pilit kang
Bumabalik; ikaw’y sumasakay

Sa pakpak ng matinding pagnais
Dumarating ka sa akin kapag
Takipsilim, kapag nalunok na
Ng gabi ang umaga; ang mga

Yabag mo, aking naririnig sa
Laglag at tuyot na mga dahon
Natatagpuan kita sa sinag
Ng buwan sa pagyuko ng mga

Dahong nahihimlay; bumabalik
Ka sa akin sa gabing malalim
At muling binubuksan ang mga
Pintong malaon nang nakapinid.

Ginigising mo ang abo
Ng mga araw na malaon nang
Naglaho; muling pinasisigla
Init ng iniwang alipato.

back to poetry | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive