|
poetry
Ang mga Balita’y Mainit na
Sabaw
ni Jun
Cruz Reyes
Sa makukulit, ang dyaryo’y
kaldero ng sinangkutsang pangyayari
hakahaka, pantasya at milagro
at petsang tiyak na totoo.
Titikman, may masasarapan
mayroon ding malalansahan.
Magtatalo, tungkol sa basehan ng rekado.
Magtatalo, sa mga sangkap
na dapat at hindi sapat.
Kakalkalin ang recipe.
Kung hindi magkaisa’y
magbabangayan, at mag-aaway.
May butong mababali,
mMay mababasag na bungo.
Mapait at mapakla ang lasa ng usapan,
pero walang mapapanisan ng laway.
Pustahan tayo, bukas
may laman na namang
mainit na balita ang kaldero,
hahalihawin ng makukulit
ang mga pangyayaring lulubog-lilitaw
ang mga hakahaka, pantasya
milagro at petsang totoo.
back to poetry | home |