| poetry
Filipina
ni Carlos
L. Luz
Sa isang edisyon ng
Oxford Dictionary ang salitang Filipina ay binigyang
pakahulugan bilang isang domestic helper o maid.
Filipina, ikinalat ka
Sa iba’t ibang sulok
Ng mga mararangyang lungsod.
At sa iyong pangungulila,
Buong lakas mong pinunasan
Ang banyong marmol,
Kinuskos ng walang patid
Ang inodorong talab laman ang lamig
At hinugasan ang mala-porselanang
Lababong ang sutla’y walang
Kapintig-pintig, hanggang sila’y
Mapakintab, mapabango di lamang
Ng tubig na binudburan ng sabon,
Kundi pati na rin ng tinimpi mong
Anino’t luha, at sa kanilang kislap,
Halos maaninag, halos madama ang di-kalayuan
Mong inaasam – ang busilak na ngiti ni bunso.
back to poetry
| home |