|
poetry
Halimaw
ni Romulo P. Baquiran
Nalalagas ang bituin
sa kaniyang tingin.
Sa gabi, tinutubuan siya
ng balahibo, kuko, pangil.
Kasi’y iinom ng dugo
ng nagmamakaawang tao.
Pagdilat ng umaga,
almusal ng lungsod
ang ulo ng balita:
katawang hinango sa ilog,
ulong pinulot
sa tambak ng basurahan.
Nalalagim ang lungsod.
Tila sanggol naman ang halimaw,
unan ang mga pinaslang.
22 Setyembre 2002
back to poetry | home |