poetry

Haraya
ni Michael M. Coroza

Nais kong lumagok ng lunas sa bukal
Na banal sa sentro ng birhen mong gubat
Nang muling magbangon ang lungsod ng danas.

Lakas ko'y pundasyong nilinggal, binungkal
Ng karbon sa puso at pasa sa utak.
Nais kong lumagok ng lunas sa bukal
Na banal sa sentro ng birhen mong gubat.

Ako'y walang dugo sa mukhang lumuwal
Palayong Sodoma't Gomorang nawasak,
May sumpa ng sakit na wala raw lunas.
Nais kong lumagok ng lunas sa bukal
Na banal sa sentro ng birhen mong gubat
Nang muling magbangon ang lungsod ng danas.

Mula sa Dili't Dilim, 1997

back to poetry | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive