poetry
Komperensiya sa Makiling
ni Ronald
Atilano
Dinatnan natin ang bakanteng
kubo sa dalisdis
ng bundok, tayong inabot ng dilim sa gubat.
Pinagpag natin ang alikabok ng kapatagan
At nangahas tayong mabuwal sa kawayang sahig,
Tumitig sa nakasuksok na itak sa sawali
At kaputol na paa ng musang. Paglalim ng gabi’y
Nagpalitan tayo ng mga retaso ng orasyon,
Sinuri sa tela ang pitumpu’t pitong kombinasyon
Ng sagradong palabra: bertud laban sa lamang-lupa
At baluti sa bala. At habang nagpipingkian
Ang matatalim nating mga Latin sa hatinggabi,
Nilingon natin ang langitngit sa ating likuran
–
Nakamasid sa atin ang Mutya ng kabundukan
Habang sa labas, umaawit nang buong hiwaga ang
gubat.
Oktubre 5, 2005
back to poetry
| home |