poetry

Kumain Ka nang Kumain
ni Michael M. Coroza

Sabi ng lola mo,
mabubuhay ka nang talaga
at sang-ayon akong
sintakaw nga kita.

Sige lang, Anak,
kumain ka nang kumain
hangga't kami ng iyong nanay
ay may naihahain.

Ganyan nga, matuto kang
mag-ulam ng kahit ano;
sa lungsod, kahit talbos
at kangkong ay may presyo.

Paglaki mo, Anak,
sana'y ganyan ka rin:
subong-Jollibee
kahit ulam ay asin.

Mula sa Dili't Dilim, 1997

back to poetry | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive