poetry

Kung ang Tula ay Pop Corn
ni Joel Malabanan

Maalat, malutong ang mga kataga
Masarap sa dila ang sukat at tugma
Subalit kapagka nasunog ang diwa
Mapait ang lasa at nakasusuka

Pag-inasukalan matamis din naman
Gaya ng pag-ibig na nararamdaman
Kung tama ang timpla ay masarap tikman
Katulad mo sinta, pag nasa sinehan

Subalit ang tula’y higit pa sa mais
Kapag ang lumikha’y may dakilang nais
Pulso ng kataga’y may buhay na diwa
Kung tugma’y hinabi upang magpalaya!

back to poetry | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive