|
poetry
Maya
ni Lilia F. Antonio
habang nakababad
sa umaasong swimming pool
sa umagang bago pa man sumilay ang araw
tinatanaw kitang nakadapo sa sanga
nag-iisa
pumapalibot ang tingin
sa matayog na niyog,
at nahihinog sa buwig ng saging
saan patutungo?
alin ang pipiliin:
bumabalik sa ilang kasamang
nakapila sa kawad, o,
patuloy na lumilipad
sa isang naiiba’t
bagong landas?
sa biglang pagbugso ng hangin
nawalan ng panimbang
tulirong napabitiw
di na malaman
kung saan susuling.
27 Agosto 2000
back to poetry | home |