poetry
Misang Walang Pari
ni Mario Ignacio Miclat
Paskong-pasko’y hindi ko
mahanap
ang susi ko. antukin
ma’y
di makakatulog.
Tulang nasa isip ay hindi
maisulat. Nakandaduhan
ang lahat
ng papel.
Ang laging nasa bulsa’y para sa tawag
ng kubeta. Kumakalat
ang madiit
na tinta.
Tahimik ang di nagpapaskong
paligid. Silent
Night ay di man
inaawit.
Bukas ay kani-kaniya na naming
trabaho. Paskong-pasko’y
nasaan
ang susi ko?
back to poetry
| home |