poetry
Palihan
ni Erwin
Lareza
Umuupo tayo nang mapag-usapan
ang itinakda, ang mga nasusulat
ng ating mga loob at isip.
Plantsado, praktisado
ang mga inako nating papel—
kani-kaniyang lagda sa iba’t ibang lapad:
sirkerong
nagbigti sa sariling lubid,
prinsesang
lumundag mula sa tore,
o
kaya’y makatang nagtundos ng panulat
sa
sariling sikmura.
Maya-maya pa’y gigitna
ang mga punang umaali-aligid
kanina lamang sa gilid
ng isip.
At pupukulin ng kamatis
o kaya’y hahandugan
ng halakhak at palakpak
ang lahat ng nagsiganap.
Tatayo tayo’t lilisanin ang
umpukan—
bitbit ang mga pintas at papuring
susuhay upang maging mas kapani-paniwala
ang ating mga papel.
Sakali’t tantiya nating ganap
na
ang ating mga pagganap,
haharap tayo sa madla
upang magpakilala.
back to poetry
| home |