|
poetry
Tula Sa Sanaysay
ni Lilia
Quindoza Santiago
Sining ang sanaysay
Isang tula sa kalawakan ng malay.
Dito, sinusukat ang saklaw ng kaalaman
Tinutugma ang liwanang ng isip, luwalhati ng puso,
Sa pagdaloy ng mga salita,
Sa paglilinaw ng mga haraya
Sa paghahawan ng salimuot sa daigdig
Na patuloy na umiinog sa mga tanonguzeliserio.blogspot.com
Walang hanggang katanungan
Na walang iisang katugunan.
Tula ang sanaysay
Pagpapalawig ng ulirat sa malayang kadiliman
Pagpapanumbalik ng tibok sa nakaambang kamatayan
Isang bukas na larangang bukas sa lahat
Tula ang sanaysay
Sa kanyang anyo
Sa kanyang sarili
Sa kanyang salaysay
Sa kanyang kasaysayang lumingap
Sa mundong lagi’t laging may tinutuklas
Iisa ang tula at sanaysay sa kanilang
pakay:
Iluklok ang Bathala ng karunungan at pagmamahal
Sa lahat ng bagay.
back to poetry | home |