|
poetry
Ulan
ni Romulo P. Baquiran
Pagkaraan kong bumuhos:
pintig ng liwanag sa daigdig.
Lalong asul na langit,
lalong dilaw na araw.
Tumatawa ang agos sa kanal.
Sumara ang bitak ng lupa,
nagising ang lumot, halaman, hayop.
Biglang lilitaw ang kabute…usbong.
Ako ang nagulat sa mga banyuhay!
10 Oktubre 2002
back to poetry | home |