poetry
Umigib Ka Kaya ng Pag-Ibig Sa Balong Laon Nang Nasaid
ni Mario Ignacio Miclat
Ano pa ba
Ang dapat gawin
Kung wala nang bisa ang
mangarap, mangusap
umiyak, gumayak
tumula, lumura
magalit, magngitngit
manood at magpatianod?
Kung wala nang gana ang
kumain, dumaing
humigop, humubog
magbasa, kumasa
magpausok, magpatusok
uminom o magpakagumon?
Kung ayaw mo nang
magsaing, magswimming
magdancing, mananching
magdasal, magsalsal
kumanta o kumantot?
Ano pa ba ang dapat
Di ka naman puwedeng magpatay-patayan
At walang kapwa tao ang magpatiwakal.
back to poetry
| home |