|
poetry
Wala raw Umiibig
ni Ronaldo
Carcamo
Bisperas ng Bagong Taon, itong si Lito
Dahil sa sobrang kalasingan ay hilong-hilo.
Hawak sa kaliwa ang matabang Super Lolo,
Tangan sa kanan ang may sinding Zippo.
Sabay-sabay, bumilang ng tatlo ang barkada
At pinahalik ang apoy sa buntot na may pulbura.
Pero tila sinadya ni Litong di ihagis sa kalsada
Ang paputok, wala na raw kasing umiibig sa kanya.
Kablam!
Tumigil ang lahat, at itong bida
natin
Katawa’y namanhid at lumabo ang paningin.
Isinugod s’ya kaagad sa ospital. Nang suriin,
Dalawang kamay niya ang dapat nang putulin.
Nagbago ang buhay ng binata. Bawat galaw at imik
Kailangan ang alalay ng mga nasa paligid.
Ngayon, alam n’yang sa kanya’y may
mga umiibig
Kapag sa kubeta’y nagpapahugas siya ng puwit.
12-26-04
back to poetry | home |