Katanungan
10 Halimbawa ng mga bagay na nagsisimula sa letrang G?
Sagot
Ang sampung halimbawa ng mga bagay na nagsisimula sa letrang G ay ang mga sumusunod:
- Gunting – na ginagamit na panggupit ng tela at iba pang bagay
- Gulay – o mga masustansiyang pagkain para sa malusog na pangangatawan
- Gamot – o klase ng medisina na iniinom upang gumaling sa karamdaman
- Garapon – o isang uri ng lalagyan
- Garahe – na ginagamit upang pagparadahan ng mga sasakyan
- Grupo – o samahan ng mga iba’t ibang indibidwal
- Ginto – na karaniwang nakukuha sa pagmimina at naipagbibili sa malaking halaga
- Gasa – na ginagamit upang takpan ang sugat
- Gatilyo – na isang bahagi ng baril
- Goma – na madalas gamit sa gulong ng mga sasakyan