Katanungan
10 katangian ng isang mabuting leader?
Sagot
Ang sampung katangian ng isang mabuting lider ay:
- kasanayan sa komunikasyon
- katalinuhan sa larangan ng damdamin
- kakayahang makatukoy ng mga layuninn o tunguhin
- kakayahang makapagplano
- kamalayan sa sarili sa maagap na pamamaraan
- mapa-unlad ang sarili at ang kapwa
- pananagutan
- malawak na kaalaman
- karanasan sa pamumuno
- katiwa-tiwala
Ang pagiging isang mahusay na pinuno o lider ay hindi lamang nakikita sa posisyon hawak nito, hindi rin ito nakikita sa pagbibigay lamang ng mga direksyon o utos na tutupdin ng kanyang mga kasama.
Ang paagiging isang mahusay na lider ay makikita sa pakikiisa at pangunguna sa pagtupad ng mga layunin o tunguhin ng pangkat.
Sagot #2
Ang isang mabuting leader ay may mga katangian na ginagalang at hinahangaan. Sa aking palagay, ito ang sampung katangian ng isang mabuting leader:
- Matapang – Hindi natatakot sa mga pagsubok.
- Mapagkumbaba – Alam niyang makinig at matuto sa mga boses ng mga taong nasa posisyong mas mababa sakanya.
- Matapat – Hindi siya nagsisinungaling at palaging totoo ang sinasabi.
- Maunawain – Nakikinig siya at naiintindihan ang damdamin ng iba.
- Masipag – Laging handang magtrabaho at tumulong.
- May malasakit – Nagmamalasakit siya sa kanyang mga kasama.
- Organisado – May plano at alam kung paano ito isasakatuparan.
- Maabilidad sa pakikipag-ugnayan – Mahusay makipag-usap at makipag-konekta sa iba.
- Nakaka-inspire – Nakapagbibigay siya ng pag-asa at motibasyon sa iba.
- Handang matuto – Binubukas niya ang sarili sa mga bagong kaalaman at ideya.
Para sa akin, ang mga leaders na may ganitong katangian ay mas madali nilang napapanatili ang tiwala at respeto ng kanilang mga kasama.