3 sangay ng pamahalaan?

Katanungan

3 sangay ng pamahalaan?

Sagot verified answer sagot

May tatlong sangay ng pamahalaan ang ating bansang Pilipinas. Una na rito ang ehekutibong sangay kung saan nabibilang ang Pangulo.

Tanging ang ehekutibong sangay lamang, o sa mas madaling salita ay ang pangulo lamang, ang may karapatan na magpatupad ng mga batas at tuntunin na mabubuo ng mga nasa iba pang sangay ng pamahalaan.

Ang sangay ng pamahalaan na gumagawa ng mga batas ay ang lehislatibo. Ito ay binubuo ng kongreso, kabilang na ang mataas na kapulungan o senado at ang mababang kapulungan.

At ang ikatlong sangay naman ay ang hudikatura kung saan ito ang may kakayahan na maghukom at maglitis sa sinumang lalabag sa batas.